Calendar
Speaker Romualdez nanawagan ng mas matibay na economic cooperation ng Pilipinas, US
NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mas matibay na kooperasyon ng ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ginawa ni Romualdez ang panawagan sa kanyang pagdalo sa luncheon caucus ng US-Philippines Society na kinabibilangan ng mga business leaders at dating opisyal ng gobyerno.
“I am hoping today’s (Tuesday) dialogue will help us identify more areas of cooperation to assist us in this mission. I am confident that the long and extensive relationship between the United States and the Philippines will continue to bring economic gains that are beneficial for peoples of both countries,” sabi ni Speaker Romualdez.
“The United States and the Philippines have a long history of collaboration and cooperation when it comes to global issues. From trade and investment to security and defense, our countries have shown that much can be achieved if we continue working together,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Ipinahayag din ni Romualdez sa pagtitipon ang Legislative Agenda ng 19th Congress at ang “Agenda for Prosperity” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nasa likod ng naitalang 7.6 porsyentong paglago ng gross domestic product (GDP), na pinakamataas mula noong 1976.
“Our President, Ferdinand Marcos, Jr., has an Agenda for Prosperity. This agenda has as its core mission the country’s economic transformation towards inclusivity and sustainability. We in Congress join the President in this mission,” ani Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker Romualdez pinagtibay ng Kongreso ang Medium-Term Fiscal Framework at 8-Point Socio-Economic Agenda na siyang magiging gabay ng Marcos administration sa pag-abot ng Agenda for Prosperity nito.
“We have committed to prioritizing legislative measures that support the MTFF and the 8-Point Socioeconomic Agenda because we in Congress join in the mission to steer the economy back to its high-growth path in the near term and sustain inclusive and resilient growth through to 2028,” dagdag pa ng kinatawan ng Leyte. “For the first time, the country has a clear 6-year agenda with clearly defined goals.”
Sa tulong ng inilatag na economic plan ng gobyerno, nakikita umano ni Romualdez ang pag-unlad ng Pilipinas at hindi lamang simpleng pag-alpas sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Romualdez magdodoble-kayod din ang Kongreso upang maipasa ang mga panukala na kailangan upang mas maraming dayuhang mamumuhunan ang pumasok sa bansa.