Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez nangakong ipagpapatuloy pagsisikap

Mar Rodriguez Sep 10, 2023
163 Views

NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong araw na ipagpapatuloy ang ginagawang pagsusumikap kasunod ng mataas na rating na nakuha ng Kamara sa OCTA Research poll kamakailan.

“I thank our people for recognizing the work we do at the House of Representatives for them and the nation under the Marcos administration. That will inspire us to push on and even work harder to remain worthy of their trust,” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na lubos nitong ipinagpapasalamat ang pagkilala ng publiko sa ginagawa ng tao lalo na ang paggawa ng mga makabuluhang batas na sumusuporta sa prosperity agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pagsasagawa nito ng imbestigasyon upang mapababa ang inflation rate at ang presyo ng mga pangunahing produkto para maging abot kaya sa mga Pilipino lalo na sa mahihirap.

“We have already made some headway, and we will carry on with those tasks with more vigor until we have achieved the goals we have set out to do,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon sa Speaker mananatiling nakatuon ang atensyon nito at ng Kamara sa pagtiyak na huhupa ang presyo ng bigas, sibuyas, at iba pang pangunahing pangangailangan at gagawa ng mga hakbang para matulungan ang mga lubhang malulugi sa ipatutupad na mga polisiya gaya ng mga retailer, maliliit na negosyante at market stallholder.

Tututukan din umano ng Kamara ang panig ng suplay at produksyon gaya ng pagtulong sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo upang matiyak na maipatutupad ang mga kinakailangang programa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Needless to say, if there is enough supply, we would not be having problems with prices,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Sa pinakahuling survey ng OCTA Research, 54 porsyento ng respondent ang nagsabi na sila ay nasisiyahan sa ginagawa ng Kamara.

Siyam na porsyento naman ang hindi nasisiyahan at 36 porsyento ang undecided kung nasisiyahan o hindi

Ang trust rating naman ng Kamara ay 55 porsyento ay ang distrust rating naman ay 7 porsyento. (END)