Eid-Al-Adha

Speaker Romualdez nangakong ipagtatanggol kalayaan sa pananampalataya

23 Views

Sa paggunita ng Eid al-Adha:

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matibay na paninindigan ng Kamara de Representantes sa pagtataguyod ng kalayaan sa pananampalataya at pagsusulong ng mga patakarang naaayon dito, kasabay ng pagdiriwang nitong Biyernes ng Eid al-Adha—isa sa pinakabanal na pagdiriwang sa Islam.

“As Speaker of the House, I reaffirm the commitment of Congress to support policies that honor diversity and uphold religious freedoms. Our unity as a nation is strengthened by the respect we show for one another’s traditions and expressions of faith,” ani Speaker Romualdez.

Ang Eid al-Adha ay nagbibigay-pugay sa malalim na pananampalataya at pagsunod ni Propeta Ibrahim (Abraham), na handang isakripisyo ang kaniyang anak bilang pagtalima sa utos ng Diyos.

Ginugunita ito sa pamamagitan ng panalangin, salu-salo at tradisyon na pagbabahagi ng karne sa pamilya, mga kaibigan at sa mga nangangailangan.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang pagdiriwang ng Eid al-Adha ay isang pagkakataon para magnilay hindi lamang sa pananampalataya at pagsunod, kundi pati na rin sa tungkulin ng mga pinuno na ipagtanggol ang mga kalayaang nagpapahintulot sa bawat Pilipino na isabuhay ang kanilang paniniwala nang walang takot o pagkiling.

“Today, we join our Muslim brothers and sisters across the Philippines and the world in commemorating Eid al-Adha, the Feast of Sacrifice— one of the most sacred celebrations in Islam,” saad pa ng lider ng Kamara.

“Eid al-Adha reminds us of the power of obedience to a higher calling, the importance of selflessness and the strength found in unity. These are values that resonate not only within the Islamic tradition but also across all faiths and cultures. They are values that bind us together as a people, regardless of belief or background,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang aral sa likod ng kapistahan ay panawagan sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na isabuhay ang paglilingkod-bayan at itaguyod ang katarungan sa kanilang tungkulin.

“The story of Eid al-Adha speaks of sacrifice made out of trust and devotion. In today’s world, this message remains relevant. It calls on all of us in government and society to serve with sincerity, to uphold justice and to always act in the best interest of the people we represent,” giit pa ng mambabatas.

“Ang Eid al-Adha ay isang paalala ng pananampalataya, paninindigan at sakripisyo. Sa pagsasabuhay ng diwa ng kapistahang ito, nawa’y maging mas matatag ang ating pagkakaisa bilang isang sambayanan,” dagdag pa ni Romualdez.

Nanawagan din ang pinuno ng Kamara sa mga Pilipino na humugot ng inspirasyon mula sa banal na pagdiriwang upang makabuo ng isang mas mahabagin at inklusibong lipunan.

“Let this celebration inspire us to work harder for peace, for inclusivity and for a government that listens to every voice, including those that have often gone unheard. The lessons of this sacred day encourage us to act with compassion, clarity and courage,” pahayag ni Speaker Romualdez.

“To all Filipino Muslims, may your prayers be answered, your families blessed and your communities filled with peace and prosperity. Eid Mubarak!” dagdag pa ng mambabatas.