Martin1

Speaker Romualdez: Online violence  vs kababaihan, bata labanan

137 Views

IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pangangailangan na ma-update ang mga batas upang malabanan ang karahasan sa mga babae at bata.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos na aprubahan ng Kamara sa botong 272-0-0 ang House Bill 8009 na masasama sa online platform sa Anti-Violence Against Women and Children (VAWC).

“This proposed law is our answer to rising cases of internet-enabled violence and abuse against women and children, who we should protect. I hope that the bill, when enacted, would stop these acts of wrongdoing,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez kaakibat ng pag-unlad ng information and communications technology (ICT) ay ang pagdami rin ng krimen na hindi saklaw ng mga lumang batas.

“We have to update and strengthen our laws to shield our people, especially our women and children, from criminally-minded individuals,” ani Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng HB 8009, ipapasok na ang karahasan na ginawa sa pamamagitan ng electronic o online sa saklaw ng Republic Act (RA) No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.