Calendar
Speaker Romualdez: OTS maghihigpit vs abusadong airport personnel
INIHAYAG ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na tiniyak mismo sa kaniya ng Office of Transportation Security (OTS) na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na sisikapin nilang magpatupad ng mas mahigpit na patakaran para pangalagaan at protektahan ang kapakanan ng mga turista at biyahero laban sa mga abusadong airport personnel.
Ang naging pahayag ni Speaker Romualdez ay kasunod ng naganap na meeting sa pagitan nito at mga tauhan ng OTS. Kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina DOTr. Secretary Jaime Bautista, OTS Administrator Usec. Ma. O Ranada at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong.
Sinabi Romualdez na upang hindi na muling mangyari pa ang nakakahiya o nakaka-eskandalong insidente sa NAIA. Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang paglalagay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa NAIA para alalayan ang mga “airport screening personnel on duty”.
Sa nasabing meeting, muling nagpahayag ng labis na pagkadismaya ang House Speaker sa nangyaring insidente sa NAIA na kinasasangkutan ng ilang tiwaling personnel ng OTS na nahuli mismo sa Close Circuit Television (CCTV) na sadyang kinukuha ang personal na gamit ng isang “Thai tourist”.
Nabatid din sa House Speaker na aminado rin ang pamunuan ng OTS na mayroong problema sa loob ng kanilang tanggapan. Kaya kailangan lamang na ayusin at matugunan sa lalong madaling panahon ang problemang ito upang hindi na lumubha sa mga darating na panahon.
“We cannot let this embarrassing incident fester and continue to discourage tourist from visiting our very beautiful country. But the OTS has recognized that there is indeed a problem and that is needs to be addressed at the soonest possible time,” ayon kay Speaker Romualdez.