Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Pag-alis ng COVID emergency makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya

139 Views

IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ng World Health Organization (WHO) na alisin na ang deklarasyon ng Covid-19 global health emergency.

“The decision shows that countries around the globe, including the Philippines, have succeeded through collaborative effort in fighting the highly infectious novel coronavirus and its variants, though they remain a threat to public health,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ipinaalala ni Speaker Romualdez sa publiko na panatilihin ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, paglayo sa mga may-sakit, obserbahan ang physical distancing at magpabakuna.

Hinimok di ng Speaker ang Department of Health (DoH) at Inter-Agency Task Force (IATF) na gumagawa ng guidelines para sa minimum health protocols na akma sa desisyon ng WHO.

“I think our people have learned to live with the virus. Though there is no wear-face-mask mandate, many of them continue to wear mask and observe physical distancing. They are aware of the residual threat and they are not letting their guard down,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang pag-alis umano ng global health emergency ay magreresulta sa mas maraming aktibidad para sa ekonomiya na magdadala ng pag-unlad na pakikinabangan ng publiko.

“It should translate to increased mobility, more economic activities and therefore additional job and income opportunities for our workers and their families,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Si Speaker Romualdez ang Majority Leader ng Kamara ng aprubahan ang mga batas para labanan ang epekto ng Covid-19 sa bansa.

Kasama sa mga batas na ito ang Bayanihan 1 at 2 (Bayanihan to Heal as One Act at Bayanihan to Recover as One Act) na nagbigay ng bilyun-bilyong ayuda sa mga mahihirap, health worker, at maliliit na negosyante na lubhang tinamaan ng pandemya.

Ayon sa lider ng Kamara, ang desisyon ng WHO at ang desisyon ng ibang bansa gaya ng Estados Unidos at Japan na luwagan ang kanilang restriction ay maaaring magreresulta sa mas malayang paggalaw ng mga tao at pagdami ng mga bumibisitang turista sa bansa.

“Let the concerned government agencies and sectors of the economy prepare for this possibility, which will benefit tourist destinations and local communities,” ani Romualdez.

Kasabay nito, hiniling ni Romualdez sa DOH na ipagpatuloy ang paghikayat na publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Bagamat malaking bahagi na umano ng populasyon ang nakapagpabakuna na, marami pa umano ang wala pang booster shot at mayroong maliit na bahagi na wala pa kahit na primary shot.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagbabantay upang agad na matugunan ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga nahawa ng COVID-19.

“Let us promptly attend to those needing help so that this virus does not infect more people and lead to more deaths,” dagdag pa ng lider ng Kamara.