Calendar

Speaker Romualdez: Pagbagal ng inflation rate makapagbibigay ginhawa sa pamilyang Pinoy
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang patuloy na pagbagal ng inflation rate na naitala sa 1.3 porsyento noong Mayo 2025— ang pinakamababa mula noong 2019 — na aniya’y isang “good news” na dapat maramdaman agad ng mga pamilyang Pilipino.
“Simple man pakinggan, pero malaking bagay ito sa panggastos ng pamilya. Kapag hindi tumataas ang presyo, mas kayang buhayin ang pamilya. Gumagaan ang pasanin, may pambili ng bigas, pamasahe, kuryente at gamot sa pamamagitan ng mga programa ni Pangulong Bongbong R. Marcos Jr. Hindi na kailangang isakripisyo ang ibang pangangailangan,” ayon kay Speaker Romualdez.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang inflation sa 1.3 porsiyento nitong Mayo mula sa 1.4 porsiyento noong Abril. Dahil dito, umabot na sa 1.9 porsiyento ang average ng inflation mula Enero hanggang Mayo, na pasok sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 porsiyento hanggang 4 porsiyento . Ito na rin ang pinakamababang antas ng inflation sa loob ng mahigit limang taon.
Ayon kay Speaker Romualdez, walang halos naramdamang pagtaas ng presyo ang 30 porsiyen ng pinakamahihirap na pamilya ngayong Mayo. Patunay ito na gumagana ang mga ginagawa ng gobyerno para protektahan ang publiko laban sa mataas na presyo ng bilihin.
“This isn’t just about charts or graphs. This is about the question every parent asks: Is our income enough to get us through the week? Right now, the answer is a little more hopeful than before,” pahayag ng pinuno ng 306-miyembro ng Kamara de Representantes.
Iniuugnay ng PSA ang mas mababang inflation sa mas mababang pagtaas sa gastos sa pabahay, kuryente, gas at tubig — na tumaas lamang ng 2.3 porsyento.
Nananatili ring mababa ang food inflation sa 0.7 porsyento, malayo sa 6.1 porsyento na naitala noong Mayo 2024. Patuloy din ang pagbaba ng gastusin sa transportasyon, habang nananatiling matatag sa 2.2 porsyento ang core inflation, bukod pa sa pagkain at kuryente.
Pinuri naman ni Speaker Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang mga economic managers ng bansa sa matatag at magkakatugmang pagtugon sa inflation.
“President Marcos has made inflation control a top priority. The results are now becoming clear — less price volatility, more certainty, and concrete benefits for Filipino households,” saad pa ng mambabatas.
Iginiit ng lider ng Kamara na patuloy na nakatuon ang Kongreso sa pagtulong na mapanatili ang kakayahan ng karaniwang Pilipino na makabili ng pangangailangan.
“In Congress, we are working on laws that will lower rice prices, support our farmers, and make basic goods and services more affordable. We can’t be complacent just because inflation is low this month. The goal is lasting relief,” saad ni Speaker Romualdez.
Kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng Kamara ay ang mga amyenda sa Rice Tariffication Law, pagbabalik ng regulatory functions ng National Food Authority (NFA), at pangmatagalang pamumuhunan sa agrikultura at food logistics.
Binigyang-diin din ni Speaker Romualdez na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dapat nasusukat sa epekto nito sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan.
“It’s our job in Congress to make sure economic gains are felt by every Filipino. This is not just about numbers, it’s about real outcomes that improve daily life,” giit pa ng mambabatas.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez, handa ang Kamara na makipagtulungan sa executive branch upang mapanatiling mabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.