Cong. Martin G Romualdez

Speaker Romualdez: Pagiging makabayan nasa dugo ng mga Pinoy

201 Views

NASA dugo umano ng mga Pilipino ang pagiging matapat sa bayan.

Ito ang sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez na isa sa mga nanguna sa pagdiriwang ng Bonifacio Day.

“Patriotism is in the blood of every Filipino. Today, we remember and honor the life of our dear hero Andres Bonifacio who made the ultimate sacrifice and gave up his life fighting for the freedom we all enjoy to this day,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na ang lakas ng loob at tapang ni Bonifacio ang naging inspirasyon ng pambansang kilusan na nagpaalab sa rebolusyon na nagsama-sama sa mga Pilipino upang maabot ang kalayaang inaasam.

“Bonifacio’s ideals are in all of us, and patriotism runs in the blood of every Filipino. Love of country is an innate trait we all share, and this manifests in how we protect our families, our communities and our way of life,” dagdag pa ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez maraming hamon ang kinakaharap ng bansa at gaya ng ginawa ni Bonifacio at ng kanyang mga kasama ay muling magsasama-sama ang mga Pilipino upang malagpasan ang mga ito.

“We honor the sacrifices of our heroes by performing our respective civic duties and each contribute to nation-building. And in doing so, we become the heroes of our time,” giit pa ng lider ng Kamara.

Kasama si Romualdez ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng ika-159 birth anniversary ni Bonifacio sa Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa Caloocan City.