Martin1

Speaker Romualdez: Paglago ng ekonomiya patunay na tama direksyon ni PBBM

113 Views

ANG paglago ng ekonomiya na mas mataas sa inaasahan ay patunay umano na tama ang direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ng 6.4 porsyentong paglago sa ekonomiya ang bansa sa unang quarter ng 2023.

Sa ikatlong quarter ng 2022 nakapagtala ang bansa ang 7.6 porsyentong paglago at 7.2 porsyento sa huling quarter ng nakaraang taon. Hulyo 2022 ng magsimula ang administrasyong Marcos.

“The average economic expansion during that period is 7.07 percent, which is a respectable growth rate that is slightly higher than the median of last year’s growth target of 6.5 percent and 7.5 percent. So the economy is in good hands,” ani Speaker Romualdez.

Ipinunto rin ni Romualdez na ang 6.4 porsyentong paglago ng ekonomiya ay halos nasa gitna ng 6 porsyento hanggang 7 porsyento na inaasahang ilalago ng ekonomiya sa buong taon ng 2023.

“So our first quarter growth rate is within target,” sabi pa ni Romualdez.

Ang Pilipinas, ayon kay Romualdez ay itinuturing na “star economic performer” sa grupo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), China at Indonesia.

Ayon kay National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan mas maganda ang naging performance ng Pilipinas kumpara sa Indonesia (5 porsyento), China (4.5 porsyento) at Vietnam (3.3 porsyento).

Mas mataas din ang economic growth ng bansa kumpara sa Malaysia (4.9 porsyento), India (4.6 porsyento) at Thailand (2.8 porsyento).

Sa inaasahang paggastos ng gobyerno sa mga imprastraktura at social services, sinabi ni Romualdez na mas lalo pang tatatag ang ekonomiya ng bansa.

“The government will be the lead driver of economic activities and job and income generation,” dagdag pa ng lider ng Kamara na nangakong isusulong ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyong Marcos upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.