Calendar

Speaker Romualdez: Panalo ni Chrisia Mae patunay ng potensyal ng grassroots sports dev’t
NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Leyteño, sa mga taga-Eastern Visayas at sa buong bansa sa pagbati kay Chrisia Mae Tajarros na nanalo ng kauna-unahang gintong medalya sa 2025 Palarong Pambansa na ginaganap sa Ilocos Norte.
Mula simula hanggang matapos ay nanguna si Tajarros upang masungkit ang gintong medalya, na mas mataas kaysa sa kanyang pagkapanalo ng pilak noong nakaraang taon sa Cebu.
“At just 13 years old, Chrisia Mae has shown the heart of a true champion. Her victory in the 3,000-meter run is a story of redemption, perseverance, and unshakable determination. Coming from last year’s second-place finish, she returned stronger—wiser, faster, and more focused,” ayon sa pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ng Speaker na ang kahanga-hangang tagumpay ni Chrisia Mae, isang estudyante ng Tanauan National High School at atleta ng Leyte Sports Academy, ay nagpapakita ng maaaring makamit ng mga kabataan at ng grassroots sports development ng gobyerno.
“Her success is a testament to what we can achieve when we invest in our young athletes,” giit ni Speaker Romualdez.
Ayon pa kay Speaker Romualdez, hindi lamang siya ipinagmamalaki ng Leyte kundi ng buong bansa.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang tagumpay ni Chrisia Mae ay hindi lamang nasusukat sa medalya na kanyang nakuha kundi sa kanyang tiyaga at matatag na determinasyon na malampasan ang mga kinakaharap na hamon.
Ayon sa mga ulat, matapos ang pagkapanalo ng pilak sa Cebu noong nakaraang taon ay lalo pang pinaigting ni Chrisia Mae at ng kanyang coach ang kanyang pagsasanay.
“Her triumph is not only measured by medals—it is marked by courage, discipline, and the power of never giving up,” sabi ni Speaker Romualdez.
“On behalf of the House of Representatives and the people of the First District of Leyte, I salute you, Chrisia Mae. May this be the first of many more victories in your journey. Mabuhay ka!” dagdag pa ni Speaker Romualdez.