Calendar
Speaker Romualdez: PBBM, gobyerno, pribadong sektor dapat magtulungan upang inflation mababa
HINDI lang dapat ang Pangulong Marcos at iba pang sangay ng pamahalaan ang kumilos para bumaba ang inflation ng bansa o pagmura ng mga bilihin kundi pati ang pribadong sektor.
Ito ang pananaw ni House Speaker Martin Romualdez matapos bumaba sa 1.9 percent ang inflation ng bansa noong Setyembre.
“Effort ni PBBM yan na pababain ang inflation katuwang ang Kongreso”, ani Speaker Romualdez.
“I believe resulta yan ng pagpababa ng taripa ng imported rice ng pangulo para bumaba ang presyo ng bigas at iba pang bilihin,” paliwanag ni Romualdez.
Dagdag pa niya, “ang pagpondo naman ng Kongreso sa social services ng gobyerno, making sure na nabibigyan ng ayuda tulad ng bigas at pera ang mga mahihirap, contributed sa pagbaba ng inflation natin”.
“But of course the business sector must also help like wag na mag-hoard para di sumirit ang presyo ng bilihin o kahit konti lang ang kita basta makatulong sa kapwa,” ayon pa sa lider ng kongreso.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga efforts ng pamahalaan para gawan ng solusyon mapababa ang inflation ay nararamdaman na.