Martin3

Speaker Romualdez: PBBM pinatunayan seryoso na isulong pagkakaisa

Chona Yu Oct 18, 2024
69 Views

PATUNAY na seryoso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang pagkakaisa.

Pahayag ito ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos ang pagkakabati nina Pangulong Marcos at dating Vice President Leni Robredo sa pagbubukas ng Sorsogon Sports Complex.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Romualdez na noon pa man, hangad na ni Pangulong Marcos na magkaisa rin ang taong bayan.

“It’s been our President’s message to the country that we always unite. That the Filipinos should always be as one. So that’s just a reiteration of a message that has reached throughout the Philippines,” pahayag ni Romualdez.

“It’s all about reuniting, reconciling and being one,” dagdag ni Romualdez.

Nagtungo si Romualdez sa Malakanyang para saksihan ang paglagda sa bagong batas na Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL).