Martin

Speaker Romualdez: PH kaakit-akit sa mamumuhunan, Malaysian investors swak sa Maharlika

Mar Rodriguez Jul 23, 2023
223 Views

MALUGOD umanong tatanggapin ng Pilipinas ang mga mamumuhunan mula sa Malaysia sa Maharlika Investment Fund (MIF), ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang lider ng 312 miyembro ng Kamara de Representantes kasabay ng kanyang pagkumpirma na siya ay makakasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa biyahe nito sa Malaysia mula Hulyo 25 hanggang 27.

Nang tanungin kung kasama sa pag-uusapan sa biyahe ng Pangulo sa Malaysia ang MIF, sagot ni Speaker Romualdez, “Very much so, we’ll be very much open to that.”

Para sa lider ng Kamara ang MIF ay hindi lamang beneficial kundi kailangan ng bansa upang pumasok ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa na makapagpapabilis ng paglago ng ekonomiya.

“Isipin mo na lang ‘to, kung mayroon kang kapital, ‘yung isang bansang may kapital, saan mo dadalhin? Eh ‘di siyempre dadalhin mo sa isang bansa kung saan mataas ‘yung growth, ‘di ba?” ani Speaker Romualdez, isang administration stalwart at pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

“While the Philippines can also offer investment opportunities, we see that the cost of debt has risen, making the need to explore other vehicles to attract equity financing such as Maharlika Investment Corporation,” sabi pa ni Speaker Romualdez, presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa), ang pinakalumang asosasyon ng mga legal luminaries sa bansa.

“This will be a very, very important vehicle to attract more resources and investments into the country, to supplement our resources that is provided for in the national budget for developmental initiatives, infrastructure, in the power and agriculture sectors,” dagdag pa nito.

Hindi pa man nagsisimula ang operasyon, sinabi ni Speaker Romualdez na malaki ang kumpiyansa nito sa MIF dahil sa positibong pagtanggap dito ng ibang bansa gaya ng Japan na kanyang pinuntahan noong break ng sesyon.

Isa umano sa mga interesado sa MIF ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC).

“We also heard from those in the Middle East, they are also interested. This is on top of those who followed it up with no less than the President (Marcos), during and shortly after we had the US visit. They were asking if this had been signed into law,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Pinuri rin umano ng mga opisyal ng Estados Unidos ang Pangulo sa paglagda nito sa MIF law, ayon kay Romualdez.

“I think Maharlika is starting with a more substantial seed capital and there’s already various commitments, I think it will be much larger than that,” sabi ng Speaker na ikinumpara ito sa Indonesia na ang inisyal na inilagak na pondo ay US $1 bilyon.

“I think it (Jakarta-based investment fund) rose to US $230 billion in less than two years or so,” sabi pa nito. “Before President Marcos steps down, I think we will be so happy that we did this. We will just be remorseful why we did it only now.”

“We can now derive more direct foreign investments or investment into the country that will provide us with additional resources to implement our budget so that we can have more developmental projects in fields like in agriculture in infrastructure, power,” giit ng lider ng Kamara.

“These investments mean more development projects in various parts of the country, more jobs and livelihood for the Filipinos, and a better future for generations to come,” ani Speaker Romualdez.

“So the Philippines becomes a very, very attractive ano, economy to invest into. That’s why we’re very, very optimistic and excited. Kaya ang daming nagtatanog,” dagdag pa nito.

Ipinunto rin ni Speaker Romualdez ang magandang projection ng Asian Development Bank (ADB) na lalago ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 6.0 porsyento ngayong taon, ang pinakamataas sa mga pangunahing bansa sa Southeast Asia.

Sa 2024, nakikita ng ADB na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6.2 porsyento.

Inaasahan naman ng ADB na ngayong taon ay lalago ang ekonomiya ng Indonesia ng 4.8 porsyento, Malaysia ng 4.7 porsyento, Singapore ng 1.5 porsyento, Thailand ng 3.5 porsyento, at Vietnam ng 5.8 porsyento.

“This steadfast pace of recovery from the effects of the Covid-19 crisis across the region is a clear indicator that the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. has charted the right course and we are steadily sailing towards a brighter future for all Filipinos,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang projection ng ADB ay pasok sa 6.0 hanggang 7.0 porsyentong growth assumption ng mga economic manager ngayong taon at 6.5 hanggang 8.0 porsyento mula 2024 hanggang 2028.

Lilipad patungong Malaysia ang Pangulo isang araw matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address.

Noong Marso ay bumisita si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa bansa para sa dalawang araw na official visit.

“Yung gustong-gusto talaga ni Prime Minister Anwar, magkakaroon ng mga ano, improvement and increase of trade relations beyond of course the other agenda there,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.