Vic Reyes

Speaker Romualdez pinangunahan inspeksyon sa MICP

Vic Reyes Sep 30, 2024
182 Views

BAGO ang lahat, binabati natin ang mga kaibigan diyan sa Japan, sa pangunguna ni Hiroshi Katsumata, Ma Theresa Yasuki, Mama Aki (may-ari ng Ihawan), Lovely Pineda Ishii, La Dy Pinky, Mama Jai, Roana San Jose at lahat ng mga kabayan natin na nagtitiis na hindi makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay kumita lang ng pera para may pangtustos sa kani-kanilang pamilya.

Mabuhay kayong lahat!

***

Kamakailan ay nag-inspeksyon ang mga taga-House of Representatives sa Manila International Container Port (MICP),

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte, ang inspeksyon ay naglayong masiguro ang mabilis na paglabas ng lahat ng rice importation natin.

Ang gusto gobyerno ay stable ang rice supply sa merkado para maiwasan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bigas.

Kasama ni Speaker Romualdez sa inspeksyon sina Reps. Erwin Tulfo at Edvic Yap.

Siniguro naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio kina Speaker Romualdez, Tulfo at Yap na lahat ng rice shipments ay makakalabas ng aduana ng mabilis.

Ayon sa ulat, ang mga importer ay may 30 days para ilabas ang kanilang mga importasyon.

Para maiwasan ang pagsisikip ng mga container vans sa aduana, dapat ilabas kaagad ng mga negosyante ang kanilang mga importasyon.

Lalo na ang mga imported rice na kailangang-kailangan natin para hindi tumaas ang presyo ng bigas sa merkado.

Marami ang natuwa sa ginawa nina Speaker Romualdez na pagbisita sa waterfront.

Sinabi pa ni Commissioner Rubio na walang nangyayaring port congestion dahil sa mga hakbanging ginagawa nila.

Talagang bumilis ang release ng mga importasyon sa lahat ng mga ports of entry na nasa ilalim ng BOC.

Alam kasi nina Commissioner Rubio na pabigat sa mga importer kung nade-delay ang paglabas ng mga shipment.

Dagdag gastos ito sa mga importer at nagagalit pa ang mga negosyante sa kanilang mga customs broker,

***

Bukas (Martes) ay unang araw na ng Oktubre.

Ang ibig sabihin nito ay nasa huling quarter na tayo ng 2024.

Kayod-kalabaw na ang mga taga BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) para lang ma-meet nila ang kani-kanilang collection targets.

Sa tingin natin ay kayang-kayang lampasan pa ng BOC ang kanilang P1 trilyung revenue target sa taong ito.

Inaasahang lalaki pa ang monthly collection ng ahensya sa nalalabing tatlong buwan ng 2024.

Ito ay dahil sa mga dumarating na Christmas items mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

At mga importasyon ng iba-ibang business establishment.

Good luck na lang sa BOC at BIR.

***

(Para sa inyong pagbati, komento at suhestiyon, mag-text sa +63 9178624484/email: [email protected]). Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)