Martin1

Speaker Romualdez pinangunahan pag-alay ng dasal, misa sa libing ni Pope Francis

25 Views

HINDI man nakadalo sa libing ni Pope Francis sa Rome, Italy noong Sabado, nag-alay na lamang ng dasal at misa ang mga Waraynon sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez.

IDINAOS ang misa sa tarmac ng New Daniel Z. Romualdez Airport, ang kaparehong lugar kung saan nagdaos ng misa si Pope Francis noong 2015 ilang araw matapos hagupitin ng Bagyong Yolanda ang lalawigan na kumitil ng maraming buhay at nagdulot ng milyon-milyong pinsala.

Ayon kay Speaker Romualdez ng matapos ang misa, “Ang pagbisita ng Santo Papa noon ay nagbigay hindi lamang ng pag-asa sa aming lahat kundi ng lakas sa mga mamamayan ng Leyte upang makabangon mula sa pinsalang dulot ng Super Typhoon Yolanda”.

“He gave us the courage to begin again. When we felt forgotten, he remembered. When we were broken, he came to bless the brokenness. That is something no people ever forget,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Aniya, “Kahit malakas pa ang ulan at hangin noon ay nagtungo si Pope Francis dito sa amin at nag-alay ng misa para sa buong bansa na rin.

Bago ang Banal na Misa ng alas-3 ng hapon, ipinalabas ang ilang videos tungkol sa buhay ni Pope Francis, na sinamahan ng mga awiting pagsamba na inawit ng ilang grupo.

Binigyang-diin ng mga dumalo na ang Misa ay hindi lamang okasyon ng pagdadalamhati kundi isang pag-alaala sa isang pinunong espiritwal na nakisama sa mga dumaranas ng pagdurusa, namuno nang may kababaang-loob, at nagpakita sa mundo ng isang makapangyarihang halimbawa ng awa.