Calendar
Speaker Romualdez pinangunahan panunumpa ng mga bagong miyembro ng Lakas-CMD
PINANGASIWAAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panunumpa ng 19 na bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).
Ayon kay Speaker Romualdez ang pagdami ng mga miyembro ng Lakas-CMD ay nangangahulugan ng paglakas ng suporta sa Agenda for Prosperity a 8-point socio-economic development roadmap ng administrasyong Marcos.
“We welcome our new members and we are happy that they affiliated themselves with Lakas-CMD, which has committed itself to support President Ferdinand Marcos Jr. and his Agenda for Prosperity and eight-point socio-economic development roadmap,” ani Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD.
Dumalo sa oath taking ceremony ang iba pang opisyal ng Lakas-CMD gaya nina dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Chairperson Emeritus; Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Executive Vice President; Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” Aquino II, Secretary General; at iba pa.
Personal na nanumpa sa seremonya na ginanap sa tanggapan ni Romualdez sina Roberto “Pinpin” Uy Jr., dating Zamboanga del Norte Gov. Roberto Uy Sr., at mga incumbent Mayor na sina Lorrymir “Rey” Adasa (Mutia), Marissa Manigsaca (Rizal), Rosendo Labadlabad (Sindangan), Allan Ferrater (Jose Dalman), Jose Micheal Meiko Wong (Katipunan), Eugene Caballero (Manukan), Ismael Renquijo Jr. (President Manuel Roxas), Alberto Bongcawel (Siayan), Salvador “Jun” Antojado Jr. (Kalawit), Jelster Ed Tiu Quimbo (Labason), at Norabeth Tuse Carloto (Tampilisan), at si Julita, Leyte Councilor JudeAndrei Romualdez.
Nagsumite naman ng kanilang oath of membership sina Evelyn Uy, at mga kasalukuyang alkalde na sina Eufracio Caidic (Sibutad), Darel Dexter Uy (Dipolog City), Eddie Justin Quimbo (Gutalac), at Roberto “Jun” Uy Jr. (Liloy).
Ang Lakas-CMD ay mayroong mahigit 3,000 miyembro sa buong bansa. Ito ang pinakamalaking partido sa Kongreso sa kasalukuyan.