PBBM

Speaker Romualdez pinapurihan magigiting na pulis

Mar Rodriguez Aug 8, 2022
167 Views

PINAPURIHAN ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez ang mga magigiting na miyembro ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagdiriwang nito ng ika-121 Police Service Anniversary.

Sinabi ni Romualdez na isang malaking karangalan aniya ang mapasama kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagbibigay ng “awards at citation” para sa mga “oustanding policemen” na naging matapat sa kanilang tungkulin sa loob ng mahabang panahon.

Tinawag din ni Romualdez ang mga magigiting na pulis na “modern day hero” na naglilingkod sa bayan at mamamayan araw at gabi para lamang mapanatili nila ang kaayusan ng komunidad.

“I salute all these modern-day heroes who worked day and night to keep our communities safe,” sabi ni Romualdez.

Hinangaan din ng House Speaker ang katapatan ng mga pulis dahil nananatili silang tapat sa kanilang tungkulin sa kabila ng mga “pressure” at batikos na natatanggap nila sa ilang mamamayan.

“May you continue the good job of making Filipino families feel secure in their household. Mabuhay kayo,” pagtatapos ni Romualdez.