Martin2

Speaker Romualdez pinasalamatan  sa tulong para sa Mayon evacuees

151 Views

PINASALAMATAN ng dalawang kongresista ng Albay si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa ginawa nitong pagtulong sa mga inilikas kaugnay ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa magkahiwalay na pahayag, nagpasalamat sina Rep. Joey Salceda at Rep. Fernando Cabredo of Albay dahil hindi pinabayaan ni Speaker Romualdez ang kanilang mga kababayan.

Noong Lunes, Hunyo 12 ay nagpasalamat naman si Rep. Edcel Lagman kay Speaker Romualdez at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa pagtiyak na makararating sa oras ang tulong parasa mga evacuees.

Ang tanggapan ni Speaker Romualdez at ang Tingog Party-list ay nagpadala ng tig-P500,000 cash assistance at P500,000 halaga ng in-kind na tulong sa tatlong distrito ng Albay.

Inasikaso rin ng Office of the Speaker ang pagpapalabas ng tig-P10 milyong cash assistance sa tatlong distrito ng probinsya mula sa DSWD.

“I have already requested for DOLE-TUPAD (Department of Labor and Employment-Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) support from Speaker Romualdez, who has assured us that he will do whatever he can to provide what Albay needs to endure this situation,” sabi ni Salceda na ang tinutukoy ay ang cash-for-work program ng gobyerno.

“He (Romualdez) has already given us very significant assistance. We are very thankful,” dagdag pa ni Salceda.

Sa isang Facebook post, sinabi naman ni Cabredo na humingi ito ng tulong kay Speaker Romualdez para matulungan ang kanyang mga kababayan na nawalan ng kabuhayan dahil sa pag-aalburuto ng Mayon.

“Speaker Romualdez immediately granted the request and appropriated funds through the DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Each family received P5,000 cash assistance to support their daily needs while temporarily settled in the evacuation centers,” sabi ni Cabredo.

“Labis ang ating pasasalamat,” dagdag pa ni Cabredo.

Nakapagpadala na ang tanggapan ni Romualdez ng tig-1,420 relief pack sa district 1 at 2. Inihahanda na ang kaparehong dami para sa district 3.