Martin2

Speaker Romualdez pinuri ang utos ni PBBM na imbestigahan nadiskubreng onion kartel ng Kamara

Mar Rodriguez Jul 5, 2023
211 Views

PINURI ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan ang nadiskubre ng House Committee on Agriculture and Food na manipulasyong ginawa ng kartel kaya umakyat sa P700 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas.

Noong Martes, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nasa likod ng kartel na kumontrol sa lokal at imported na suplay ng sibuyas.

“This is a welcome development, a decisive action that manifests the President’s resolve to clamp down on unscrupulous businessmen preying on hapless Filipino consumers and hampering his administration’s efforts to sustain the robust growth of our economy,” ani Speaker Romualdez.

Si Romualdez ang nagpatawag ng imbestigasyon kaugnay ng mabilis na pagtaas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P700 bawat kilo noong huling bahagi ng 2022.

“The President’s directive should be enough to deter further supply manipulation of agricultural products and help stabilize prices, especially amid reports that prices of onion are on the rise again,” sabi ni Speaker Romualdez.

“The House of Representatives is ready to provide our authorities with the data uncovered from our committee hearings to provide them a head start in their own investigation,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Tiniyak ni Speaker Romualdez kay Pangulong Marcos na mananatili ang ginagawang pagbabantay ng Kamara laban sa mga negosyanteng mananamantala at poproteksyunan ang interes ng mga mamimili.

“We will continue to monitor prices, especially of basic staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade and which hamper competition,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“That is part of our oversight function. We have the appropriate tools to carry this out, including conducting follow-up hearings and summoning suspected hoarders, smugglers and cartel leaders if needed. We will not shirk from our duty to help our people,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ayon sa Malacañang, ang direktiba ng Pangulo ay batay sa memorandum na ipinadala ni Marikina Rep. Stella Quimbo na nagsasabi na mayroong ebidensya na nagpapatunay na mayroong kartel ng sibuyas at ito ang nasa likod ng pagtaas ng presyo sa huling bahagi ng 2022.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga noong Mayo, itinuri ni Quimbo si Lillia o Leah Cruz at ang kanyang kompanya na siyang nasa likod ng manipulasyon.

Ayon kay Quimbo mayroong mga magkaka-ugnay na kompanya na may kinalaman sa pagtatanim, pag-aangkat, pagtatago sa mga cold storage facilities, at pagdadala ng sibuyas sa mga pamilihan ang kumontrol sa suplay kaya nagkaroon ng pansamantalang kakapusan na nagresulta sa pagtaas ng presyo nito.

Kasunod ng direktiba ng Pangulo, inanunsyo ng DOJ ang pagbuo ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force kung saan kasama ang Bureau of Customs at Department of Agriculture.

Sinabi ng DOJ na isang special team ng prosecutor din ang babalangkasin upang bantayan ang sektor ng agrikultura laban sa mga mapagsamantala.