Calendar
Speaker Romualdez pinuri ASEAN sa pagtatag ng kapayapaan, kooperasyon
UMAPELA si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang bansa na suportahan ang posisyon ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Sa harap ng Trilateral Commission sa Makati City, binigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng pagsunod sa 2016 arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration na nagkukumpirma sa exclusive economic zone ng Pilipinas at tumutuligsa sa mga sobrang pag-angkin ng China sa South China Sea.
“In the South China Sea, the Philippines faces complex challenges to its sovereignty, yet our commitment to a peaceful, lawful resolution remains resolute. We uphold the 2016 ruling as a testament to international law, a beacon that reminds us that might cannot make right, and that the world is governed not by whims, but by principles,” wika ni Romualdez.
Binanatan din niya ang “intimidation” at “unilateralism” bilang hindi tamang paraan ng pagtataguyod ng seguridad. “True security is forged through trust, mutual respect, and adherence to rules that bind us all equally,” dagdag niya.
Pinuri ni Romualdez ang papel ng ASEAN sa pagtataguyod ng kapayapaan at kooperasyon sa rehiyon. Ayon sa kanya, mahalagang maging modelo ang Indo-Pacific region ng pagtutulungan at pagsulong ng ekonomiya sa halip na tensyon.
“ASEAN is not just a region; it is a community with a shared destiny, where no member state must face these challenges alone,” sabi niya.
Aniya, layon ng Pilipinas na isulong ang ekonomiyang pantay-pantay para sa lahat ng pamilyang Pilipino. Ngunit inamin niyang mahirap ito dahil sa mga hamon tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, supply chain disruptions, at kawalan ng pantay-pantay na oportunidad.
“But what is security without prosperity? What is peace without the promise of a dignified life?” tanong pa niya.
Hinikayat din ni Romualdez ang agarang aksyon laban sa climate change na labis na nakaapekto sa Pilipinas. Tinawag niyang “present reality” ang mga bagyo, pagtaas ng tubig-dagat, at pagkawala ng mga ecosystem.
“Rising seas and super typhoons are not distant possibilities; they are present realities. Climate action must transcend borders and be pursued with the urgency our survival demands,” sabi niya.
Nagbabala rin si Romualdez laban sa digital divide na nag-iiwan sa milyon-milyong Pilipino sa likod ng teknolohikal na pag-unlad.
“We must champion digital inclusion, cybersecurity, and education in digital literacy, not only as pathways to economic growth but as means of human dignity,” ani Romualdez.
Dagdag pa niya, kailangang tiyakin na ang teknolohiya ay magagamit para sa ikabubuti ng tao, at hindi lamang para sa kita o kontrol.
Binalaan din niya ang publiko sa banta ng maling impormasyon, populismo, at authoritarianism na nagiging hamon sa demokrasya. Nangako siyang patuloy na ipagtatanggol ng Pilipinas ang demokrasya nito bilang pamana sa susunod na henerasyon.
“Democracy is not just a legacy; it is a trust for future generations,” ani niya.
Nanawagan si Romualdez sa internasyonal na komunidad na suportahan ang Pilipinas sa pagpapalakas ng transparency at accountability.
“By nurturing democratic resilience, we not only honor our people’s aspirations but contribute to a world where justice and freedom are more than ideals – they are guarantees,” dagdag niya.
Tinapos ni Romualdez ang kanyang talumpati sa panawagang pagkakaisa sa gitna ng global recovery: “We stand ready to work with you to bridge divides, to foster understanding, and to uphold the principles that bind us as a global community.”