BBM5 Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay nagbigay ng mensahe sa State Luncheon para kay Presidente Yoon Suk Yeol ng South Korea sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace noong Lunes. Naroon din sina First Lady Louise Araneta-Marcos, Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, First Lady Kim Keon Hee at ang miyembro ng official delegation ni Presidente Yoon. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez pinuri pagpapalakas ng PH-South Korea strategic partnership

97 Views

NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagpapalalim at pagpapalawig ng partnership ng Pilipinas at Republic of Korea (ROK) na pinag-usapan sa isang state luncheon noong Lunes sa Malacañang bilang parangal kay South Korean President Yoon Suk Yeol at First Lady Kim Keon Hee.

Ayon sa lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan, ang pagbisita ni Pangulong Yoon ay isang malaking hakbang para sa pagpapatibay ng Philippine-ROK relations.

Ngayong taon ay ipinagdiwang ang ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relation ng dalawang bansa.

“As we celebrate the 75th anniversary of our diplomatic relations this year, President Yoon’s visit is a milestone that sets the stage for an even closer partnership,” ani Speaker Romualdez. “The elevation of our relations to a strategic partnership signals our shared commitment to navigate the increasingly complex global landscape together.”

Binigyan diin ni Speaker Romualdez ang pagkakaisa ng Kongreso ng Pilipinas sa pagsuporta sa mga strategic initiative na naglalayong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

“Congress is fully committed to nurturing and expanding our dynamic and multifaceted relations with South Korea. This partnership is vital to achieving shared prosperity and mutual growth,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang lider ng Kamara na lalo pang yayabong ang relasyon ng dalawang bansa sa larangan ng modernisasyon ng depensa, ugnayang pang-ekonomiya at palitan ng kultura.

“South Korea has long been one of our most reliable partners, not only in terms of trade but also in defense and security. Our nations continue to benefit greatly from this relationship,” punto ni Speaker Romualdez.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng South Korea sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at ng mga humanitarian efforts nito sa mga joint exercise gaya ng KAMANDAG.

“South Korea is a trusted defense partner, and their support for our military modernization and the Philippine Coast Guard is crucial to strengthening our national security and territorial integrity,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Binanggit din ng lider ng Kamara ang lumalawak na kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya, partikular ang pagkompleto ng domestic requirement para sa bilateral Free Trade Agreement (FTA), na inaasahang lalo pang magpapalalim sa relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa.

“South Korea remains a key trading partner, and with the FTA, we foresee greater opportunities to expand our trade relations and increase economic exchanges for the benefit of both nations,” wika pa nito.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang kahandaan ng ROK na suportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Pilipinas, gaya ng pagsasagawa ng feasibility study sa Bataan Nuclear Power Plant para sa pag-unlad ng nuclear technology ng bansa.

“South Korea’s contributions to our development priorities through the Economic Development Cooperation Fund have been invaluable, and we look forward to continued cooperation in areas such as energy and infrastructure,” wika pa ng Speaker.

Ang South Korea rin umano ang pangunahing pinanggagalingan ng mga foreign tourist sa bansa sa nakalipas na dalawang taon na magpapalakas sa pagkakaunawaan ng mga residente ng dalawang nasyon.

“The strong bond between our people is a cornerstone of our relationship, and we are excited to see this connection flourish further through increased tourism and cultural exchanges,” sabi nito.

Muli ring iginiit ni Speaker Romualdez ang pangako ng Pilipinas, partikular ang lehislatura na palakasin ang strategic partnership ng bansa sa South Korea.

“As we move forward, we are confident that the Philippines and South Korea will continue to work closely together, addressing global challenges and building a future of shared progress, peace, and prosperity,” deklara ng lider ng Kamara.

Noong Hulyo 2023, bumisita ang noon ay Speaker Kim Jin-Pyo ng National Assembly ng South Korea kay Speaker Romualdez sa Batasang Pambansa sa Quezon City, na lalong nagpalakas sa relasyon ng lehislatura ng dalawang bansa.

Sa naturang pagbisita, iprenisinta ni Speaker Romualdez ang House Resolution No. 93 na pinagtibay kasama ang South Korea para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng Korean Armistice Agreement.