Martin1

Speaker Romualdez pinuri Pinoy international surfing champ

200 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Filipino ace surfer na si Rogelio “JayR” Esquivel, Jr. sa pagdadala ng karangalan sa bansa matapos na manalo sa men’s longboard surfing competition ng World Surfing League La Union International Pro Longboard Qualifying Series.

Si Esquivel ang nagkampeon sa kompetisyon na ginanap sa Urbiztondo Beach, San Juan, La Union noong Enero matapos talunin ang Japanese na si Taka Inoue sa finals.

“With your victory, you have not only brought pride and honor to our country. Your remarkable feat has also shown that Filipinos can compete against the best in the world,” sabi ni Speaker Romualdez kay Esquivel na nag-courtesy call sa kanya Lunes ng hapon.

“Your skills and talent have propelled you to the top, and your determination and perseverance have set an example for others to follow. Keep up the good work, and may you continue to ride the waves of success,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Pinuri rin ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez si Esquivel.

Si Esquivel ay nakatakdang lumaban sa Bali, Indonesia, at South Korea upang mag-qualify sa WSL World Tour.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez kay Esquivel na siya ay suportado ng mga miyembro ng Kamara sa kanyang paglahok sa mga kompetisyon.

Sinabi naman ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na ang surfing ay isa sa mga nagtataguyod ng turismo sa bansa.

Sina Singson, United Philippine Surfing Association (UPSA) Secretary General Gino Canlas, at Quirino Rep. Midy Cua ay sumama kay Esquivel sa pagharap nito kay Speaker.

Naghain si Singson at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega ng resolusyon upang kilalanin ng Kamara si Esquivel sa naging tagumpay nito.

Si Esquivel ang unang Pilipino na nanalo sa WSL Men’s Longboard Surfing Competition.

“…Esquivel indubitably exhibited athletic excellence and exemplified outstanding sportsmanship in the aforementioned competition,” sabi sa resolusyon. “…This achievement of Esquivel affords great pride and honor to the country as it strives to produce better surfers who will conquer the world’s biggest waves.”

Si Esquivel ay nanalo rin ng silver medal sa 2019 Southeast Asian games.