Ortega La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V

Speaker Romualdez pinuri sa pagtimon sa Kamara sa tamang direksyon

Mar Rodriguez Apr 30, 2025
22 Views
Khonghun
Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun
Adiong
Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong

PINURI ng mga lider ng Kamara de Representantes si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagtitimon nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso patungo sa tamang direksyon kaya mataas ang nakuha nitong rating sa survey kumpara sa ibang sangay ng pamahalaan.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, ang mataas na nakuha ng Kamara sa survey ay nagpapakita ng uri ng pamumuno ni Speaker Romualdez na ang inuuna ay ang mga batas para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Speaker Romualdez has redefined leadership in the House by putting people first. Under his stewardship, the House has become the engine for real reforms and responsive governance. The numbers affirm what we already know: the Filipino people trust and believe in his leadership,” ani Ortega.

Batay sa nationwide survey ng Tangere na isinagawa noong Abril 21 hanggang 22, nakamit ng Kamara ang 55.5 porsyentong satisfaction rating, na siyang pinakamataas sa mga sangay ng pamahalaan.

Nakakuha ang Executive Branch ng 49.41 porsyento, habang nakapagtala ng 44.74 porsyento ang Senado na nasa gitna ng kinahaharap nitong kontrobersya at tensyon sa pamunuan.

Samantala, ang Judicial branch, na kinakatawan ng Korte Suprema, ay nakapagtala ng 45.5 porsyento.

Kinumpirma rin ng pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, na isinagawa noong Abril 2 hanggang 5, ang matibay na suporta para sa Kamara, kung saan nakamit ni Speaker Romualdez ang 54 porsyentong trust rating at 55 porsyentong satisfaction rating.

Nangunguna si Speaker Romualdez sa hanay ng mga pangunahing lider ng bansa kasama sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, nakabatay ang matibay na performance ng Kamara sa mga konkretong resulta, gaya ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na direktang naghatid ng tulong sa milyun-milyong pamilyang Pilipino.

“Speaker Romualdez has always made it clear that no Filipino should be left behind. His leadership turned that vision into reality through swift, responsive legislation,” ani Khonghun.

Dagdag pa niya: “The House is no longer just a legislative body; it is a lifeline for the people. That is why the public is responding with overwhelming trust and support.”

Sinabi naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ang mataas na performance ng Kamara ay bunga ng pagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.

“The Speaker has built consensus across political parties, ensuring that the people’s needs are placed above politics. The trust and satisfaction ratings are a testament to leadership that fosters inclusivity, empowers communities, and remains focused on nation-building,” ani Adiong.

Ang Tangere survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile app sa 2,400 respondents na may margin of error na ±1.96 porsyento. Ang OCTA survey naman ay may 1,200 face-to-face interviews at margin of error na ±3 porsyento.

Ayon sa mga analyst, ang mataas na rating ng Kamara ay dahil sa agresibong legislative agenda na nakatuon sa social protection, economic recovery at national security—at sa matatag na pamumuno ni Speaker Romualdez sa pagbibigay ng katatagan at tiwala ng publiko.

Sa patuloy na malawak at matatag na suporta mula sa iba’t ibang rehiyon at antas ng lipunan, patuloy na ginagampanan ni Speaker Romualdez at ng Kamara ang mahalagang papel sa pagsusulong ng Bagong Pilipinas agenda ni Pangulong Marcos at sa pagtutulak ng mas inklusibong pag-unlad para sa lahat ng Pilipino.