Calendar
Speaker Romualdez pinuri si PBBM
Sa paghahanap ng pamumuhunan para sa PH
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa walang kapaguran nitong paghahanap ng pamumuhunan para sa Pilipinas matapos itong makakuha ng $4 bilyong pamumuhunan mula sa working visit nito sa Germany.
Kasama sa naselyohan sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Germany ang tatlong letters of intent (LOI) mula sa tatlong kompanya sa Germany, dalawang memoranda of agreement, at tatlong memoranda of understanding (MOU).
“This accomplishment not only reflects President Marcos’s dedication to advancing our nation’s economic growth but also underscores his steadfast commitment to serving the Filipino people,” ani Speaker Romualdez na bahagi ng delegasyon ni Pangulong Marcos sa Germany.
Muling iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng dagdag na pamumuhunan sa bansa na lilikha umano ng trabaho, at magpapalakas sa produksyon na magpapap-angat naman sa ekonomiya ng bansa.
“With the global economy becoming increasingly interconnected, attracting foreign investments is paramount to driving sustainable development and fostering prosperity in the Philippines. President Marcos’s successful negotiations in Germany signal a vote of confidence from the international community in our country’s economic potential and stability,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon sa Presidential Communications Office isa sa mga ILO ay naglalayong magkaroon ng partnership sa isang ospital sa bansa na magsisilbing training center.
Ang isa pang ILO ay para naman sa paglinang ng isang Innovation Think Tank (ITT) hub.
Ang ikatlong ILO ay isang strategic at digital partnerships sa larangan ng healthcare upang mapaganda ang medical service sa bansa.