Martin1

Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa nasungkit na $672.3 milyong investment pledge sa US

Mar Rodriguez Nov 20, 2023
148 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Lunes si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nasungkit nitong investment pledges na nagkakahalaga ng $672.3 milyon na inaasahang magbubukas ng bagong oportunidad sa iba’t ibang sektor ng Pilipinas.

“President Marcos Jr.’s adept leadership and diplomatic prowess were evident in the significant investment commitments garnered and making inroads for mutually beneficial cooperation with various sectors in the United States,” sabi ni Speaker Romualdez.

“The $672.3 million in pledges is a testament to the international community’s confidence in the President’s leadership. This accomplishment underscores his dedication to advancing the economic interests of the Philippines and fostering partnerships on the global stage,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sa pulong balitaan na ginanap Sabado ng hapon sa Halekulani Hotel sa Waikiki, Hawaii, tinuran ni Pang. Marcos na bagamat ang halaga ng mga pamumuhunan na ito ay hindi kasinlaki kumpara sa kaniyang mga nalakipas na biyahe ay nakatuon naman aniya ito sa mga sektor na mahalaga sa Pilipinas gaya ng teknolohiya, kalusugan, elektrisidad at seguridad.

Ang mga kasunduang ito aniya ay nakamit sa sidelines ng kaniyang pagdalo sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting na ginanap sa San Francisco, California.

Ilan sa mga kasunduan ito ani Speaker Romualdez ay ang paglalaan ng internet connectivity sa mga malalayong lugar sa pamamagitan ng dedicated satellite, pinag-ibayong pangangalaga sa kalusugan lalo na sa mga may sakit na kanser.

Nilagdaan din aniya ang mga kasunduan sa paggamit ng nuclear power para sa mas mura at maasahang suplay ng kuryente, at AI-powered na sistema para sa pinahusay na weather prediction at upang malabanan ang negatibong epekto ng climate change.

Nakipag-usap din aniya si Pang, Marcos sa mga tech firm na interesadong tumulong para mapahusay ang digitalization ng bansa at maging hub ng technological innovation ang Pilipinas.

“There is no doubt that these investment pledges and the materialization of partnerships arising from the exploratory talks on the sidelines of the APEC Summit will have a positive impact on job creation, infrastructure development, and overall economic growth of the country,” saad ni Speaker Romualdez.

Ipinaabot din ni Speaker Romualdez kay Pang. Marcos ang pasasalamat sa natatangi nitong pagkatawan sa Pilipinas at ang walang kapagurang paghikayat sa mga mamumuhunan para sa benepisyo ng mga Pilipino

“The House of Representatives is committed to working collaboratively with the Executive branch to ensure the smooth implementation of these investment commitments and partnerships. We support supporting any legislative measures necessary to create an environment conducive to the success of these endeavors,” wika ni Romualdez

Una nang kinilala ni Romualdez ang naging hakbang ni Pang. Marcos para mapatatag ang seguridad at pambansang interes ng Pilipinas sa pamamagitan ng pinalakas na pakikipag-ugnayan nito sa Estados Unidos.

Nagpulong din sina Pang. Marcos at US Vice President Kamala Harris bago mag-umpisa ang 2023 Asia Pacific Cooperation Summit.

Sa kanilang pag-uusap, muling pinagtibay ng dalawang opisyal ang alyansa ng US at Pilipinas. Tinalakay din nila ang mga hakbang para mas mapatatag ang relasyong pang seguridad at palawakin ang relasyon sa komersyo at ekonomiya ng dalawang bansa.