Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Martin1

Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa produktibong US working visit

174 Views

PINURI ni Speaker Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa matagumpay at produktibong working visit nito sa Estados Unidos kung saan nakausap nito si US President Joe Biden at nagtalumpati sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA).

Sinabi ni Romualdez na sinulit ni Marcos ang kanyang pagpunta sa Estados Unidos at kinausap ang mga negosyanteng nakabase doon bukod sa Filipino community upang hikayatin na mamuhunan sa bansa.

“The President wasted no time in his efforts to put the Philippines again in the investments map of the world. At a time when nations struggle to bounce back from the ill effects of the pandemic on economies, our President hit the ground running and worked almost round the clock to bring home much-needed investments,” sabi ni Romualdez.

Nakapulong din ni Marcos si UN Secretary-General Antonio Guterres at idiniin nito ang kahalagahan na mapalakas ang samahan ng Pilipinas at UN at ang pangangailangan na sama-samang harapin ang problema ng mundo.

Nangako si Romualdez na tutulong ang Kamara de Representantes upang magawa ang mga kinakailangang batas para matuloy ang mga ipinangakong pamumuhunan sa Pilipinas.

“We at the House of Representatives will help in making these investment pledges come to fruition. If the President needs any piece of legislation to materialize the objectives of these bilateral trade and investment agreements, we will answer the call,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na mayroong mga aaprubahang panukala ang Kamara gaya ng eCommerce Bill, National Government Rightsizing Program, eGovernance Act, pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, at Build-Operate-Transfer Law na inaasahang magpapalingon sa mga investor upang mamuhunan sa Pilipinas.

“What is important is we all do our share in nation-building. We all hope to capitalize on the early gains of the Marcos administration in order to steer our economy back to its pre-pandemic growth,” giit ni Romualdez.

Bukod kay Romualdez, nakasama ng Pangulo sa US working visit sina Finance Sec. Benjamin Diokno, Budget Sec. Amenah Pangandaman, Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, Presidential Management Staff Sec. Ma. Zenaida B. Angping, Tourism Sec. Christina Frasco, Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe M. Medalla, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel G. Romualdez, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, at Press Sec. Trixie Cruz-Angeles.