Martin2

Speaker Romualdez: Reporma sa MUP pension napagkasunduan ng economic team, House senior leaders

140 Views

NAGKASUNDO ang economic team ng administrasyon at mga lider ng Kamara de Representantes kung ano ang gagawing reporma sa pensyon ng mga Military and Uniformed Personnel (MUP) upang matiyak na patuloy itong mapopondohan.

“Our soldiers and uniformed personnel are now assured: their pension plan are now fully funded. Not only in 2023 or 2024, but in years to come,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez nagkaroon ng closed-door meeting upang plantsahin ang hindi pagkakasundo kung ano ang gagawing reporma sa MUP.

“I am happy to report that we have reached a consensus after a three-hour meeting. We all agreed on a solution that we, believe, will be beneficial to all stakeholders in the MUP pension program,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Ang sinigurado namin, mababayaran ang lahat ng pension ng ating mga sundalo at uniformed personnel. Lahat ng ahensiya ng gobyerno at kami dito sa Kongreso ay magtutulungan para masigurado ito,” sabi pa nito.

“Kung maiaayos natin ang MUP pension program, masisiguro rin natin na magkakaroon ng dagdag na suweldo ang ating mga sundalo at uniformed personnel taun-taon,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Kasunod ng pagpupulong, ipinag-utos ni Speaker Romualdez ang pagbuo ng Ad Hoc Committee na siyang aayos sa mga ipatutupad na reporma sa MUP pension.

Ang Ad Hoc Committee ay pamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, na nangakong lilikha ng win-win formula sa isinagawang closed-door meeting.

Inimbita naman ni Speaker Romualdez ang publiko na sumali sa isasagawang public hearing ng komite.

“Lilinawin sa mga public hearings ang lahat ng isyu tungkol sa MUP. Didinigin natin ang lahat ng boses. Sisiguruhin natin na sa bagong MUP pension program, tuloy-tuloy ang benepisyo ng mga pensiyunado at tutulungan sila ng gobyerno sa pag-iipon ng pera,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.