Martin2

Speaker Romualdez sa ASEAN leaders: Magsama-sama para sa pag-unlad

179 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga lider ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magsama-sama upang umunlad at makalikha ng trabaho at oportunidad para sa mga residente nito.

“As we navigate the post-pandemic era, we must enhance trade and investment among ASEAN countries, prioritize expanding and diversifying our economies, and develop digital infrastructure and supply chains,” ani Speaker Romualdez.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang Philippine delegation sa ASEAN Interparliamentary Assembly (AIPA) sa isinagawang regional lawmakers’ interface kasama ang mga lider ng mga bansang bahagi ng ASEAN sa unang araw ng 42nd ASEAN Summit na ginanap sa Meruorah Convention Center, sa Labuan Bajo, Indonesia.

“These actions will improve connectivity among our nations, facilitate the movement of goods, services, and people, and promote greater cooperation in areas such as science and technology, innovation, and human capital development. By doing so, we can enhance the competitiveness of our economies and position ourselves for sustained growth,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sa kanyang intervention sa AIPA-ASEAN interface, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na kinikilala nito ang kahalagahan ng inter-parliamentary cooperation sa pagharap sa mga problemang nakakaapekto sa rehiyon.

Inirekomenda rin ng Pangulo ang pagpapanatili na bukas ang mga linya ng komunikasyon sa pagitan ng executive at legislative upang magkaroon ng magkatugmang batas at regulasyon sa rehiyon.

Nauna ng sinabi ni Speaker Romualdez na ang deklarasyon ng World Health Organization na ang-aalis sa COVID-19 bilang public health emergency ay magreresulta sa paglago ng ekonomiya na pakikinabangan ng lahat lalo na ng mga mahihirap.

“It should translate to increased mobility, more economic activities, and therefore additional job and income opportunities for our workers and their families,” sabi ng lider ng Kamara.

Ayon kay Speaker Romualdez, dapat ding pagtuunan ng pansin ng ASEAN ang healthcare at pagkakaroon ng social protection sa nasasakupan nito.

“The Philippine Congress and our esteemed President, His Excellency Ferdinand Marcos, Jr. share this commitment,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez dapat gamitin ng mga lider ng ASEAN ang pagkakataon upang lumikha ng magandang kinabukasan para sa mga residente nito.