Martin

Speaker Romualdez sa DA, iba pang ahensiya: Madaliin IRR ng Rice Stabilization Law

Mar Rodriguez Dec 10, 2024
114 Views

Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Martes sa Department of Agriculture (DA) at iba pang mga ahensya ng gobyerno na simulan na ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa bagong batas na mag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan upang maging batas.

Binigyang-diin ng mambabatas na mahalaga ito para sa agarang pagpapatupad ng mga probisyon ng batas upang mapatatag ang presyo ng bigas, labanan ang hoarding, at suportahan ang mga magsasakang Pilipino.

“The swift implementation of this law is non-negotiable. Our people, especially ordinary Filipinos, need to feel its benefits as soon as possible. I call on the Department of Agriculture (DA) and its attached agencies to prioritize the drafting of the IRR and ensure that it is completed within 30 days,” ani Speaker Romualdez.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na ang IRR ay nagsisilbing gabay para sa pagpapatupad ng batas, na naglalaman ng mga tiyak na hakbang, tungkulin, at mga timeline upang maisakatuparan ang mga pangunahing probisyon nito.

“Without the IRR, the law cannot be enforced effectively, delaying much-needed relief for consumers and support for farmers,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

“Ang batas na ito ay ginawa para tugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino—lalo na ang mga hirap makabili ng bigas sa abot-kayang presyo. Pero walang mangyayari kung hindi agad maipapatupad nang maayos. Kailangang kumilos na ngayon,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Sinabi ng Speaker na ang IRR ay magbibigay-daan sa mga ahensiya ng gobyerno upang mabilis na kumilos sa pagpapatatag ng presyo ng bigas at paglaban sa mga mapanlinlang at mapang-abuso sa merkado.

“With the IRR in place, the Department of Agriculture can immediately enforce provisions to regulate warehouse operations, prevent hoarding, and ensure that the National Food Authority maintains optimal rice buffer stocks sourced from local farmers. This will protect consumers from sudden price spikes and guarantee a stable rice supply,” saad nito.

Tinitiyak din ng IRR, para sa mga magsasakang Pilipino ang agarang pagpapatupad ng mga programang pinondohan mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na pinalawig ng hanggang 2031.

“Makikinabang ang ating mga magsasaka dahil sa malinaw na patakaran sa pagbili ng palay mula sa kanila para sa buffer stock ng NFA. Bukod dito, magagamit na agad ang pondo para sa makinarya, binhi, at iba pang suporta na magpapalakas sa kanilang ani,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

Binanggit din ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng transparency at accountability sa paglikha at pagpapatupad ng IRR.

“The IRR must not only be efficient but also inclusive, reflecting the inputs of farmers, consumers, and other stakeholders. Transparency in the process will ensure that this law truly serves the people it was designed to protect,” ayon sa kaniya.

Tiniyak din ng Speaker ang masusing pagsubaybay ng Kamara de Representantes sa bawat hakbang ng pagbuo at pagpapatupad ng IRR upang matiyak na matutugunan ang mga layunin ng batas.

“Ang bawat Pilipino ay may karapatang makaramdam ng ginhawa mula sa batas na ito. Sisiguraduhin namin sa Kongreso na ang pagpapatupad nito ay walang atrasan at makakabuti sa lahat,” giit pa ni Speaker Romualdez.