PBBM Nagbibigay ng talumpati President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. delivers sa groundbreaking ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Miyerkules ng umaga sa Pag-ibig Housing Barangay Atate, Palayan City, Nueva Ecija. Nakikinig sina (mula kanan) Palayan City Mayor Viandrei Nicole Cuevas, Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, House Speaker Martin G. Romualdez at Senator JV Ejercito. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: Sa pagkakaisa maabot pangarap na 6M pabahay ni PBBM

224 Views

MAGAGAWA umanong maabot ang target na 6 milyong pabahay ng Marcos administration sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.

Ito ang sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez na kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inagurasyon ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program sa Barangay Atate, Palayan City, Nueva Ecija.

“Building six million houses is the target of President Marcos Jr., I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” ani Romualdez.

Plano ng Marcos administration na makapagtayo ng 1 milyong bahay kada taon sa loob ng anim na taon upang mabawasan ang backlog sa pabahay.

“Six million houses may be just another target to accomplish, but imagine giving six million families houses they can call their own. That is not only addressing the housing backlog, it is also realizing the dreams of millions of Filipinos who yearn for a house they can call their own,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez sabay-sabay na tinutugunan ng administrasyon ang iba’t ibang problema ng bansa gaya ng pagpaparami ng suplay ng pagkain, paghikayat sa mga dayuhan na mamuhunan sa bansa, pagpaparami ng trabaho at pagkakakitaan, kaayusan at seguridad at proteksyong pangkalusugan.

“We in Congress will do everything to support our President in all of his programs because we also believe that if we work as one, we can achieve even the greatest of ambitions. This is how we move forward, this is how we move mountains,” dagdag pa ni Romualdez.

Ayon kay DHSUD Sec. Jose Rizalino Acuzar itatayo sa 11-hektaryang Palayan City Township Housing Program ang 44 tower building para sa 11,000 housing unit.

Kasama umano sa plano ang pagtatayo ng paaralan, palengke, central park, sewage treatment plant, materials recovery facility at iba pa.

Dumalo sa groundbreaking ceremony at pirmahan ng memorandum of agreement sina Palayan City Mayor Viandrei Nicole “Vianne” J. Cuevas, Acuzar, GSIS President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, at mga opisyal ng Social Security System, Pag-Ibig, at Land Bank of the Philippines.