Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez sa RPOC-8: Itaguyod mas ligtas, maunlad na Eastern Visayas

Mar Rodriguez Aug 21, 2023
170 Views

Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga miyembro ng Regional Peace and Order Council ng Region 8 (RPOC-8) na itaguyod ang mas ligtas at mas maunlad na Eastern Visayas sa pamamagitan ng sama-samang pagbuo ng desisyon.

Sa kanyang pagsasalita sa ikatlong Quarterly Meeting ng RPOC-8, iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng konseho sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

“Our convening today underscores our shared commitment to addressing the most pressing concerns of our region, from the state of criminality and peace and order to the challenges of drug-related issues and insurgency. Such issues not only impact Region 8 but reverberate throughout our nation,” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.

“Gen. Vincent Calanoga, RD Edgar Jubay, and Gen. Camilo Ligayo, the insights and updates you provide today serve as a bedrock upon which we base our decisions and strategies. Our objective remains clear: a safer, more prosperous, and united Region 8,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sinabi rin ng kinatawan mula sa Tacloban City na bilang mga lider, ang kanilang mga pag-uusap at estratehiyang napagkasunduan ay mayroong implikasyon sa publiko.

“The aspirations of our families, the dreams of our youth, and the well-being of our communities hinge upon our decisions,” sabi ng kinatawan mula sa unang distrito ng Leyte.

“Furthermore, the significance of gatherings such as the Regional Peace and Order Council meeting cannot be understated. It is an embodiment of collaborative decision-making, a deep understanding of regional dynamics, and an unwavering commitment to the allocation of resources where they are most needed,” sabi pa nito.

“Let us approach today’s discussions with empathy, foresight, and determination. Together, let’s shape a future where peace, order, and prosperity are not just ideals but realities for every resident of Eastern Visayas,” sabi pa nito.

Ang RPOC ay nagsisilbing plataporma ng gobyerno para mapagtibay ang ugnayan ng mga lokal na pamahalaan, mga ahensyang may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas, at komunidad sa paglaban sa kriminalidad, ipinagbabawal na gamot, paglaban sa gobyerno at karahasan.

Ito ay binubuo ng mga gubernador, alkalde ng mga highly urbanized city, mga pangulo ng Leagues of Municipalities, isang kinatawan ng mga mayor ng CC, mga regional counterpart ng mga departamento, tanggapan, at ahensya kasama ang NPOC, kumander ng AFP Infantry Division, at tatlong accredited CSO.

Ang konseho ay pinamumunuan ng pinsan ni Speaker Romualdez na si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez samantalang ang regional director ng PNP at AFP Infantry Division Commander bilang co-vice chairperson.