Martin

Speaker Romualdez suportado P29 Rice Program ni PBBM

104 Views

NAGPAHAYAG ng buong suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Biyernes sa P29 Rice Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na layong mabentahan ng bigas sa abot-kayang presyo ang mga ordinaryong Pilipino, sa gitna ng tumataas na presyo ng pagkain at pagkaantala sa supply chain sa buong mundo.

“The P29 Rice Program demonstrates President Marcos’ dedication to tackling inflation and enhancing food security,” ani Speaker Romualdez.

“Offering rice at P29 per kilo to our most vulnerable citizens is a vital step in reducing hunger and improving the quality of life for millions of Filipinos,” dagdag pa niya.

Sinimulan nitong Biyernes ang large-scale trial ng P29 Rice Program sa 10 lugar sa Metro Manila at Bulacan.

Ang mga kuwalipikadong benepisyaryo gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at solo parents ay maaaring bumili ng bigas sa halagang P29 kada kilo.

“This initiative ensures that affordable rice reaches those who need it most,” punto ng lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Gagamitin ang trial upang makapangalap ng datos na siyang magagamit upang maging maayos ang pagpapatupad nito sa buong bansa.

Kada benepisyaryo ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas tuwing Biyernes, Sabado at Linggo.

Ang bawat trial site ay inaasahang makatutulong sa may 60,000 na pamilya kada buwan.

“Government agencies are uniting to prevent misuse and guarantee that the program effectively reaches its intended recipients,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

“Through collaboration with local government units and barangays, the government will ensure fair and efficient distribution,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Speaker Romualdez na sa mga darating na araw ay inaasahan na dodoblehin ang bilang ng mga trial sites hanggang sa makarating ito sa Visayas at Mindanao at matulungan ang 6.9 milyong pamilya sa bansa.

Binigyang halaga rin ni Speaker Romualdez, na nakikilala na bilang si “Mr. Rice” dahil sa kanyang malawakang pamamahagi ng bigas, ang “rice-for-all” program na layong maibaba ang presyo ng bigas para sa kabuuan ng populasyon.

“This initiative is a key component of the government’s comprehensive strategy to combat inflation and ensure food security for all Filipinos,” saad ng lider ng Kamara.

“These programs reflect President Marcos’ strategic vision and dedication to the well-being of our people. Together, we are making significant strides towards a future where every Filipino has access to affordable, nutritious food,” sabi pa niya.

Noong nakaraang Hunyo 24, nakipagpulong si Speaker Romualdez at iba pang lider ng Kamara sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), kung saan sinabi ng mga opisyal nito na inaasahan na bababa sa P42 ang kada kilo ng commercial rice ngayong buwan bunsod ng mas mababang taripa na ipinapataw sa imported na bigas.

Ani Speaker Romualdez, malaking tulong sa mga mamimili ang pagpapababa ng rice import tariff sa 15 porsyento mula sa 35 porsyento para maging abot-kaya sa marami ang presyo nito.

Sa naturang pulong, kasama si PRISM founders Rowena Sadicon at Orly Manuntag, natukoy ang magiging epekto ng tapyas sa taripa.

Sabi ni Manuntag, na kinatawan din ng Grain Retailers Confederation of the Philippines, ipapasa sa mga mamimili ang matitipid ng mga importer sa pinababang taripa, kung saan maglalaro na lamang sa P42 hanggang P46 ang kada kilo ng bigas.

“This initiative is a testament to what we can achieve when we work together for the common good,” diin ni Speaker Romualdez. “We are taking a whole-of-nation approach to address the challenges in our rice industry, ensuring that the benefits of these policy changes reach every Filipino household,” dagdag pa niya.

Siniguro din ni Speaker Romualdez sa mga magsasaka na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa kanila upang mapagbuti ang kanilang produksyon at maprotektahan ang kanilang interes sa kabila ng pagbabawas ng taripa.

Katunayan nasa P22 bilyon na umano ang pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund na magagamit upang matulungan ang mga nasa lokal na sektor ng pagbibigas.

“Through the P29 Project and other market-stabilizing programs, we are not only making rice more affordable but also ensuring that our farmers receive the necessary support to thrive,” giit ni Speaker Romualdez.

“This is a comprehensive effort to enhance our food security and uplift the lives of all Filipinos,” dagdag pa niya.