Martin

Speaker Romualdez: Tanging  opsyon ni Teves ay umuwi na

131 Views

Travel authority paso na

HINDI na otorisado ng House of Representatives ang byahe ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves matapos na mapaso na ang kanyang travel authority noong Marso 9, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez.

Napaulat na si Teves, na ang pangalan ay nakakaladkad sa brutal na pagpatay kay Negros Oriental Gov. Ruel Degamo at siyam na iba pa noong nakaraang linggo, ay nasa Estados Unidos.

“His travel outside the country beyond March 9 is no longer authorized by the House of Representatives. Therefore, his only option is to come home,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara de Representantes.

“Makabubuti na ring umuwi na si Cong. Arnie para harapin ang pagkakadawit ng pangalan ng kanilang pamilya sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo,” aniya pa.

“We all want to hear his side of the story. Maraming buhay ang nawala maliban kay Gov. Degamo,” pahayag pa ng mambabatas mula sa Leyte.

“Umamin na ang mga nahuling salarin sa partisipasyon nila sa krimen at hindi titigil ang pamahalaan para kilalanin at panagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimeng ito,” pagtiyak pa niya.