Speaker Romualdez Pinakikita nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez flashes Alagang Tingog, Bulacan Gov. Daniel Fernando, PAGCOR Chairman Alejandro “Al” Tengco, Deputy Majority Leader and Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, Assistant Majority Leader at Bulacan Rep.Danny Domingo, Malolos Mayor Christian Natividad, Vice Governor Alex Castro, Juan Xavier Tengco, ibang opisyal ng Bulacan at mga beneficiary ng AICS payout ang Alagang Tingog sign sa Bulacan State University Gym in Malolos City Miyerkules ng umaga. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez, Tingog Party-list, DSWD sanib-puwersa sa ayuda

Mar Rodriguez Aug 30, 2023
159 Views

Sa mga drayber, estudyante sa Bulacan 

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa may 2,000 drayber at mag-aaral sa Bulacan ngayong Miyerkoles.

Ang pamimigay ng tulong ay natupad sa tulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian, dating kinatawan at alkalde ng Valenzuela City.

Mismong si Speaker Romualdez, na lider ng 311 kinatawan sa Kamara, at kanyang may-bahay na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, ang namahagi ng tig P5,000 tulong sa may 1,000 kwalipikadong miyembro ng Jeepney Operator at Drivers Association, at 1,000 estudyante.

Isinagawa ang AICS payout sa Valencia Hall ng Bulacan State University.

Nagpahayag naman si Speaker Romualdez ng paghanga sa Tingog sa pagpapakita nito na buhay pa ang Bayanihan sa mga Pilipino.

Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal si Romualdez sa pagbubukas ng Alagang Tingog Center (ATC) sa unang Distrito ng Bulacan

“This center represents more than just a building; it is a pillar of hope. It stands as a symbol that, despite the challenges and adversities, the spirit of bayanihan prevails,” sabi ni Romualdez

“I am incredibly proud to be associated with a team that works relentlessly towards making a difference,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

“This initiative is a testament to Tingog party-list’s unwavering dedication to delivering assistance and care to our kababayans. Our mission is clear: To ensure that government services reach every nook and cranny of our nation, especially in areas that often feel overlooked,” saad pa ng House Speaker.

Ikinalugod ng House Speaker na buhay at nananatili pa rin sa mga Pilipino ang pagkakaisa, paglilingkod at pagkahabag anuman ang estado sa buhay.

Naaayon rin aniya sa direktiba ni Pangulong Marcos na palawakin at gawing madali ang pagpapaabot ng serbisyo ng gobyerno sa publiko ang pagtatayo ng ATC.

“Chairperson Yedda Marie and House Deputy Majority Leader Jude Acidre of Tingog Party-list have demonstrated unparalleled commitment and drive, ensuring that the ATC is not just an idea but a tangible reality,” dagdag ni Romualdez kasabay ng pagbati sa dalawang mambabatas.

Aniya ang dedikasyon ng dalawang kinatawan ng Tingog ay nagpapatunay na malayo ang mararating kapag pinagsama ang isip at puso para mapaganda ang mga komunidad.

“To the people of Bulacan, I want to assure you that the national government and the House are here for you. We hear you, we see you, and we are committed to uplifting your lives. I would like to reiterate my gratitude for allowing me to be part of this monumental milestone,” aniya

“The inauguration of the ATC is not just a celebration of a new building, but a celebration of hope, unity, and progress. Let this day mark the beginning of an era where the people of Bulacan, and the entire nation, feel more connected, heard, and cared for,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)