Martin

Speaker Romualdez, Tingog party-list tumulong sa mga nasunugan

212 Views

NAGPADALA ng tulong sina Speaker Martin G. Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa mga nasunugan sa Navotas.

Ang singer-actress na si Mamshie Karla Estrada, ang Director for Community Engagements of Speaker Romualdez and Tingog Party-list ang nagdala ng mga relief goods sa may 600 residente ng Brgy. Bagumbayan North sa Navotas City.

Si Estrada, nanay ni Daniel Padilla, ay tinulungan ng mga staff at mga opisyal ng Junior Chamber International (JCI) sa Navotas kasama sina Vice President Area II Joseph Benedict N. Prim at Secretary Kathryn Claudyn E. Zarate.

“Namigay din ang ating tanggapan ng mga bigas, non-food items at mga gamot sa bawat pamilyang naapektuhan. Ito po ang misyon namin, ang lagi kayong aalagaan lalo na sa panahon ng pangangailangan,” sabi ni Estrada.

Kasama sa kanilang ipinamigay ay bigas, bitamina, gamot, kulambo, kumot, tuwalya, sabong panlaba at panligo, diaper, tsinelas at hygiene kits.

Noong Martes, ibinigay ni Speaker Romualdez ang P5 milyong cash kay Navotas Lone District Rep. Tobias “Toby” Tiangco upang ipantulong sa mga nasunugan.

Lima ang nasawi sa naturang sunog na tumagal ng mahigit limang oras.

“Please extend my condoles to the families of those who perished in this unfortunate tragedy and my sympathies for those whose houses and properties were razed to the ground,” sabi ni Speaker Romualdez kay Tiangco sa turnover ceremony.

“I sincerely hope this gesture of assistance we provided through the help of our friends and colleagues will help their condition,” ani Speaker Romualdez.