Martin4

Speaker Romualdez tiniyak na hindi maabuso ang Maharlika find

185 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga negosyante at sa publiko na naglagay ang Kamara de Representantes ng mga probisyon sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) upang masiguro na hindi ito maabuso.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa isang recorded video message para sa Asia CEO (chief executive officer) Forum na ginanap sa Manila Marriott hotel ngayong Biyernes.

“As far as the issue of possible misuse and abuse of the Fund, let me assure everyone that your House of Representatives is keenly aware of your concern. For this reason, we have seen fit to incorporate adequate safeguards in House Bill No. 6608 to ensure that the funds are invested properly. These safeguards are both proactive and punitive,” ani Speaker Romualdez.

Kasama umano rito ang probisyon para sa pag-audit sa pondo. Bukod sa internal at external auditor, ang book of accounts ng Maharlika Investment Corp. (MIC) na siyang mangangasiwa sa MIF ay bubuksan din sa pagsusuri ng Commission on Audit (CoA).

Kasama sa titignan ng mga auditor ay kung nakasusunod ang MIC sa Santiago principle na siyang panuntunan para sa maayos, tapat at tamang pangangasiwa ng pondo.

Ang operasyon ng MIC ay babantayan din ng bubuohing Maharlika Investment Fund Joint Congressional Oversight Committee.

Ang MIF bill ay mayroon ding probisyon upang malayang masuri ng publiko ang mga transaksyong pinasok nito.

Dapat ay mga taong mayroong magandang reputasyon at malalim na karanasan sa pamumuhunan din ang italaga sa MIC.

Ang inisyal na pondo ng MIC ay kukunin sa pondong pang-negosyo ng Land Bank, Development Bank of the Philippines, at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Bukod sa pagpasok sa mga financial instrument gaya ng foreign currency at pagbili ng corporate bonds, ang MIC ay pinapayagan din na mamuhunan sa mga proyekto ng gobyerno na aprubado ng National Economic Development Authority (NEDA) at sumusunod sa socioeconomic development plan ng gobyerno.

“If these pro-active provisions are not enough, House Bill No. 6608 also provides heavy penal provisions and criminal sanctions to hold accountable and punish any director, trustee, or corporate officer who is proven to have abused the management of the Maharlika Investment Fund,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang mga tiwaling opisyal ng MIC ay mahaharap din umano sa malversation at plunder, isang non-bailable offense.

Muling inulit ni Speaker Romualdez na ang intensyon ng Kamara sa MIF ay makatulong sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya at mapabuti ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“From the swift passage of the General Appropriations Act of 2023 to the passage on third and final reading of important measures such as the Virology and Vaccine Institute of the Philippines Act, the Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team Act, as well as the Maharlika Investment Fund proposal, to the move to amend the restrictive economic provisions of the 1987 Constitution – the welfare of the Filipino people and the economic development of the country is always the paramount consideration,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa publiko na magbigay ng kanilang suhestyon kung papaano pa mas mapapaganda ang MIF bill.

“We at the House of Representatives do not claim monopoly to development solutions. If there is anyone who has more creative ideas on how to support national development, by all means, make them known,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Tiniyak ni Speaker Romualdez na pag-aaralan ng Kamara ang mga matatanggap nitong rekomendasyon.

“I am confident in every Filipino’s innate ability to find practical solutions to many of our problems. Let us work together towards a brighter future for the Philippines. With unity of spirit, there is truly nothing we cannot do,” pagtatapos ni Romualdez.