Martin Sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez and ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo habang nag-iikot sa Farmers Market sa Cubao, Quezon City Lunes ng umaga. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez, Tulfo nag-ikot sa Farmers Plaza

Mar Rodriguez Nov 27, 2023
131 Views

Martin1Mga trader, binalaan sa pagtataas sa presyo ng mga bilihin ngayong kapaskuhan

NAG-IKOT si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Lunes sa Farmers Market sa Cubao upang tiyaking pasok sa suggested retail price ang mga pagkaing pang-noche buena, bigas, sibuyas, mga gulay, at iba pang pangunahing bilihin.

Kasama ni Speaker Romuladez sa pag-ikot si Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.

“We want to make sure that traders do not take advantage of the holiday season to jack up prices of basic commodities. The Christmas season is meant to be a time of giving and compassion, and we want to make sure that prices of goods are affordable to a great majority of our people,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 300 kongresista.

“Unang-una, dapat abot-kaya ang bigas at iba pang noche-buena items. Dapat ang gulay tulad ng sibuyas, bawang, kamatis, repolyo at iba pa ay maaabot ng ating mga kababayan. We appeal to retailers to follow the SRP,” dagdag niya

Sinabi ni Speaker Romualdez na bahagi ng oversight function ng Kamara na labanan ang inflation at sigurihin na nasa resonableng halaga ang presyo ng mga bilihin.

“Our primary task here is to protect people’s welfare by providing them with the most affordable goods in the market,” ani Speaker Romualdez kasabay ng pahayag na mahalagang laging mabigyan ng proteksiyon ang publiko mula sa hoarding, manipulasyon ng presyo, at hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

“It is a reaffirmation of our commitment to ensuring fair pricing and protecting consumers’ interests by fighting hoarding and exorbitant prices,” ani Romualdez

Pinasisiguro nito sa mga supplier na magkaroon ng sapat na delivery ng mga kalakal sa retailer at maliliit na tindahan hanggang sa pagtatapos ng holiday season upang matiyak na sapat ang kanilang Pamaskong panindang pagkain.

Sinabi naman ni Tulfo na para sa interes ng taumbayan ang pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng Christmas products.

Sa ilalim aniya ng liderato ni Speaker Romualdez, sinabi ni Tulfo na regular na magsasagawa ng price check ang Kamara.

“We will continue the all-out war against profiteers preying on hapless consumers,” sabi ni Tulfo.

Nagbabala si Speaker Romualdez laban sa pagka-gahaman ng mga trader na sinasamantala ang suplay at presyo, kasundo na rin ng tagumpay ng Kamara na ilantad ang mga nasa likod ng manipulasyon sa presyo ng sibuyas.

“Remember, the House, through the Committee on Agriculture and Food led by our dedicated and focused Chairman Mark Enverga, successfully unmasked the personalities involved in the hoarding and price manipulation of onions after concluding a four-month investigation,” dagdag niya

Dahil sa ikinasang pagdinig ng Kamara ay nagkaroon ng malaking pagbaba sa presyo ng sibuyas mula P700 tungong P160 kada kilo

Noong Setyembre, inaprubahan din ng Kamara sa ikatlo at huling pag-basa ang panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act kung saan habang buhay na pagkakabilanggo ang haharapin ng mga mapatutunayang sangkot sa economic sabotage.

Sa naturang panukala, itinuturing na isang economic sabotage ang smuggling ng bigas at iba pang agricultural products.

“The House will continue to pass similar legislative measures to help the agricultural sector and support the prosperity agenda of President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr.,” ani Speaker Romualdez.