Martin

Speaker Romualdez tutulungan 12,000 magsasaka

177 Views

NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tutulungan ang 12,000 manggagawang bukid na naapektuhan ng biglaang pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI) sa Nasugbu, Batangas.

Humarap si Speaker Romualdez sa mga miyembro ng apektadong magsasaka sa pangunguna ni Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform Spokesman Christian Bearo, Pagkakaisa ng mga Manggagawang Bukid sa Tubuhan (Pamatu) Batangas First DistrictPresident Nasiancino “Sonny” Roxas, at iba pa upang dinggin ang kanilang mga hinaing.

Kinilala ni Speaker Romualdez ang halaga ng ginagampanang papel ng mga magsasaka sa pag-unlad ng bansa at iginiit na dapat pangalagaan ang mga ito upang maabot ang inaasam na pagkakaroon ng seguridad sa pagkain.

“Kailangan nating mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa tubuhan at matiyak ang sapat na suplay ng asukal. I thank our farmers for working tirelessly for our nation,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Thank you (farmers) for your dedication in helping the government attain its plan for food security. We are inspired by your great contribution,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi pa ng lider ng Kamara na na doble-kayod si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapataas ang produksyon ng pagkain ng bansa upang dumami ang suplay at mapababa ang presyo nito.

Tinawagan ni Speaker Romualdez si Batangas Gov. Hermilando Mandanas at Batangas Rep. Eric Buhain upang mahanapan ng solusyon ang mga problema ng mga magsasaka.

Kasama ni Speaker Romualdez na nakipag-usap sa mga magsasaka sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Party-list France L. Castro, dating Kabataan Party-list Rep. Sara Elago, at iba pa.