Calendar
Speaker sa OFW: Kamara suportado inisyatiba ni PBBM na paramihin trabaho sa
TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang suporta ng Kamara de Representantes sa inisyatiba ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos, Jr. na paramihin ang mga mapapasukang trabaho sa bansa, ibaba ang presyo ng mga bilihin, at isulong ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa kanyang pagsama kay Pangulong Marcos at iba pang opisyal ng gobyerno sa pagharap sa Filipino community sa EQ Hotel sa Kuala Lumpur, kung saan nagsimula ang kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay sinabi nito na prayoridad ng administrasyon ang paglago ng ekonomiya upang makalikha ng mga disenteng trabaho para magkaroon ng opsyon ang mga Pilipino kung mananatili sa bansa o maghahanapbuhay abroad.
“Bilang lider ng Kamara, makaasa ang ating mga kababayan, lalo na ang ating mga OFW, na ipapasa namin ang mga repormang nais ng Pangulo at maglalaan kami ng tamang pondo para sa mga programa sa pagkakaroon ng mas maraming trabaho, murang mga bilihin, at mga karampatang social services para sa lahat ng Pilipino,” ani Speaker Romualdez.
“We are one with the President’s aspirations to uplift the life of every Filipino so that parents no longer need to leave home and work abroad for their family’s survival but only as a matter of choice,” dagdag pa nito.
Nang matapos ang unang regular session ng 19th Congress, sinabi ni Speaker Romualdez na natapos na ang Kamara ang 33 sa 42 priority bills ni Pangulong Marcos na sinuportahang maisabatas ng Legislative Executive Advisory Council (LEDAC).
“The House will work expeditiously for the passage of the 17 measures outlined by President in his 2nd SONA as well as the remaining LEDAC priority measures, which include the National Employment Action Plan and the amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act, which will benefit our workers and farmers,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Nauna rito ay nangako rin si Speaker Romualdez na ipapasa ng Kamara ang pagpasa ng P5.768 trilyong budget para sa 2024 bago ang break sa Oktobre.
“We’d like to ensure that priority programs, such as those geared to promote the welfare of our workers and basic social services are provided ample allocations. At the same time, we would continue the exercise of our oversight functions to ensure all of these are properly implemented,” wika pa ang lider ng 312 miyembro ng Kamara.
Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa Filipino community sa Malaysia sa kanilang mainit na pagsalubong sa Pangulo at kanyang delegasyon.
“Maraming salamat po sa mainit ninyong pagtanggap sa amin. Magsisilbi itong inspirasyon para mas lalo kaming magsumikap na tulungan ang ating Pangulo na maisakatuparan ang kanyang mga pangarap para sa isang Bagong Pilipinas,” dagdag pa nito.