St.Benilde Umiskor si St. Benilde’s Will Gozum ng lay-up laban sa Lyceum. NCAA-GMA photo

St. Benilde pinayuko ang Lyceum

Theodore Jurado Nov 19, 2022
315 Views

NAIPAGPAG ng College of Saint Benilde ang pagresbak ng Lyceum of the Philippines University sa huling sandali upang makuha ang 100-88 panalo at mapalakas ang pagkuha ng twice-to-beat slot sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Ang lay-up ni Renzo Navarro ang siyang nagbigay ng huling kalamangan ng Pirates, 38-36, may 3:19 ang nalalabi sa second period nang magpakawala ang Blazers ng 13-2 run upang itarak ang 49-40 halftime lead.

Lumayo pa ang Benilde sa 79-58 sa pagtatapos ng third quarter nang pumalag pa ang LPU at nagbanta sa 88-95 mula sa isang putback ni Enoch Valdez sa pagpasok ng huling minuto.

Subalit nasayang ng Pirates ang ilang pagkakataon na makahirit pa, nang bumuslo si Migs Oczon ng 3-of-4 sa foul line at umiskor si Mark Sangco ng lay-up upang iselyo ang panalo ng Blazers.

Umangat ang Benilde sa 12-4 baraha upang makatabla sa unahan ng standings ang defending champion Letran.

“Talagang gusto naming manalo kasi gusto naming maging No. 2 kasi advantage na mag-Finals na mas madali,” sabi ni Will Gozum, isa sa mga season MVP contenders na tumapos na may 18 points, 11 rebounds at upang pamunuan ang Blazers. “Magta-trabaho pa kami ng dalawang games pa.”

Matapos harapin ang also-ran Arellano University bukas, isasara ng Benilde ang kanilang kampanya sa elimination round kontra sa San Beda sa Martes sa isang laro na magde-desisyon sa inaasam na twice-to-beat incentive sa Final Four.

Tinuldukan ng LPU ang kanilang elimination round campaign na may 12-6 kartada, kung saan nakasalalay ang tsansa ng Pirates na makahirit ng twice-to-beat sa resulta ng mga laro ng Knights, Blazers at Red Lions sa huling apat na playdates.

Tumapos rin si Oczon na may 18 points, apat na boards at tatlong assists habang kumabig si Miguel Corteza na may 13 points para sa Benilde.

Nanguna si Valdez para sa LPU na may 18 points, limang rebounds at dalawango steals habang nag-ambag si Shawn Umali ng 17 points, limang blocks at apat na boards.

Wala nang inilalaban kundi ang pride lamang, pinataob ng San Sebastian ang University of Perpetual Help System Dalta, 78-74, upang makatabla ang Arellano University sa pang-lima sa 7-9.

Iskor:

Unang laro

SSC-R (78) — Altamirano 17, Escobido 15, Calahat 8, Desoyo 7, Villapando 6, Una 6, Aguilar 6, Cosari 5, Are 4, Paglinawan 2, Suico 2, Sumoda 0, Concha 0.

Perpetual (74) — Egan 15, Ferreras 12, Razon 9, Abis 8, Orgo 8, Nunez 7, Movida 6, Roque 3, Barcuma 2, Martel 2, Nitura 2, Flores 0, Pagaran 0, Boral 0, Cuevas 0.

Quarterscores: 19-18, 46-35, 57-58, 78-74

Ikalawang laro

Benilde (100) — Oczon 18, Gozum 18, Corteza 13, Cullar 11, Lepalam 10, Nayve 8, Marcos 7, Sangco 7, Carlos 5, Davis 2, Flores 1, Pasturan 0, Cajucom 0, Sumabat 0, Dimayuga 0.

LPU (88) — Valdez 18, Umali 17, Bravo 15, Guadaña 10, Montaño 9, Cunanan 8, Navarro 5, Barba 5, Culanay 3, Larupay 0, Peñafiel 0, Vinoya 0.

Quarterscores: 28-21, 49-40, 79-58, 100-88