NAASCU

St. Clare wala pa ding talo

Robert Andaya Nov 11, 2024
74 Views

WALA pa ding tatalo sa defending champion St.Clare College-Caloocan.

Pinayuko ng St. Clare ang Philippine Christian University, 49-41, para sa ika-anim na sunid na panalo sa National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Season 22 basketball tournament sa Enderun gymnasium

Nanguna si Ahron Estacio para sa panalo ng Saints matapos umiskor ng 14 points sa 4-of-10 shooting bukod sa five assists at five steals sa 25 minutes na aksyon

Nagpakirang gilas din sina Babacar Ndong, na may eight points, 14 rebounds at three blocks, at Megan Galang, na may eight points at four rebounds para sa Caloocan City-based Saints ni coach Jino Manansala.

Nag-ambag din si Ryan Sual ng six points at three rebounds.

Sina Jesus Derek Daluz at Steven Aren De Castro ang nanguna sa losing effort ng Dolphins ni coach Biboy Simon.

Nagrala si Daluz ng 11 points, three assists at three steals sa 19 minutes ng paglalari habang nagdafdaf si De Castro ng 10 points.

Sa isa pang laro, tinalo ng New Era University ang AMA Universities and Colleges, 88-75.

Sumandal ang Hunters ni coach Jay Agsalud sa mahusay na laro ni King Gallardo sa kanyang 20 points sa9-of-15 shooting, three rebounds at three assists.

The scores:

First game

SCC (49) — Estacio 14, Ndong 8, Galang 8, Sual 6, Manzano 4, Dumancas 4, Lim 2, Desabelle 1, Gazzingan 0.
PCU (41) — Daluz 11, De Castro 10, Manipolo 6, Mallabo 5, Failon 3, Itam 2, Obioha 2, Austria 0, Rotoni 0.
Quarterscores: 12-10, 21-21, 39-29, 49-41.

Second game

NEU (88) — Gallardo 20, Labio 12, Adams 10, Manzano 10, Basibica 9, Aldrick 8, Angeles 4, Lauzon 4, Rediang 4, Ortilla 3, Arambulo 2, Sevilla 2, De Leon 0, Nablo 0.
AMA (75) — Ceniza 32, Baxlig 13, Yambao 10, Alina 5, Camay 4, Villamor 4, E. Magpayo 4, Romero 3, Dawis 0, Del Rosario 0.
Quarterscores: 19-12, 45-30, 68-41, 88-75.