Crime

Staff ng BTA tigok sa riding-in-tandem

Zaida Delos Reyes Jan 24, 2024
50 Views

PATAY ang kawani ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem Martes ng gabi sa tapat ng isang shopping mall sa Cotabato City.

Kinilala ni Bangsamoro Regional Police Director Brig. Gen. Allan Nobleza ang biktima na si Sulaiman Kusain Macabangon, 50, miyembro ng BTA na mas kilala bilang Bangsamoro Parliament na binubuo ng 80 mambabatas.

Batay sa ulat ng PNP, lulan ang biktima ng kanyang kotse na nakaparada sa tapat ng isang mall sa lungsod nang barilin ng mga suspects.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.