Lea

Star sa Hollywood Walk of Fame nasungkit ni Lea Salonga, PCG-LA nakisaya

14 Views

Lea1Lea2

HOLLYWOOD, California–Kasama na sa Hollywood Walk of Fame si Lea Salonga sa pagkakaroon niya ng star sa tanyag na kalye sa state na ito sa US noong Setyembre 4.

Si Lea ang kauna-unahang Pinay na nabigyan ng ganitong parangal at pang-2,855 celebrity na may bituin sa sikat na pasyalan.

Dumalo sa kaganapan ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa pangunguna ni Consul General Adelio Angelito Cruz.

Kilala si Lea bilang Kim sa Broadway musical na ‘Miss Saigon’ na nagpanalo sa kanya ng Tony Award.

Siya ang boses sa likod ng mga Disney princesses na sina Mulan at Jasmine sa Aladdin.

Nakatakda ring tanggapin ni Lea ang Icon award sa 3rd Manila International Film Festival (MIFF) Awards Gala sa The Beverly Hilton.