Calamity

State of calamity idineklara sa San Luis

392 Views

SAN Luis, Batangas–Hiniling ni Mayor Oscarlito Hernandez sa Sangguniang Bayan ang pagpasa ng resolusyon upang ilagay ang bayang ito sa state of calamity.

Tumalima ang mga kinauukulan sa pangunguna ni Vice Mayor Ma-an De Gracia sa kahilingang ito at isinagawa ang special session at inaprubahan ang SB Resolution No. 123-2025 “Declaring the Municipality of San Luis under the State of Calamity due to the effects of Southwest Moonson enhanced by Typhoon Emong and Tropical Storm Dante.”

Ang deklarasyong ito ay nagbibigay-daan sa agarang pagkilos ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mabilisang paglalaan ng pondo at tulong at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng mga kababayan.

Isa sa mga bayang nasasakupan ni Batangas 2nd district Rep. Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang San Luis.