BBM

State of calamity pinalawig ni PBBM hanggang sa katapusan ng 2022

Anchit Masangcay Sep 13, 2022
201 Views

PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatupad ng state of calamity sa buong bansa kaugnay ng COVID-19 pandemic hanggang sa Disyembre 31, 2022.

Ayon sa Office of the Press Secretary ipinalabas ng Marcos ang Proclamation No. 57 bilang pagtalima sa rekomendasyon ng National Disaster Risk-Reduction and Management Council.

Ang pagpapalawig ng state of calamity ay nangangahulugan ng pagpapatuloy ng mga programa at proyekto ng gobyerno kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinalawig ang ipinatutupad na state of calamity.

Noong Setyembre 10, 2021 ay pinalawig ng noon ay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang state of calamity hanggang Setyembre 12, 2022.