TUPAD

Sto. Tomas nagkaroon ng TUPAD orientation

326 Views

STO. TOMAS, Batanga–Isang daan at limampu’t siyam na residente ng syudad na ito ang lumahok noong Biyernes sa Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) Batangas katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) noong Agosto 14.

Nakikipag-ugnayan sina Mayor Atty. Arth Jhun Marasigan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang makapaghatid ng mga programang makakatulong sa kabuhayan ng mga Tomasino.

Ang implementasyon ng programang ito ay naging posible sa pamamagitan ng pondo at suporta ni Congressman Ray Reyes ng AnaKalusugan partylist.

Layunin ng TUPAD na matiyak ang pagbibigay ng tulong sa mga benepisyaryo kasabay ng pagpapatibay sa kooperasyon ng lokal at pambansang pamahalaan para sa mas mabilis na serbisyo publiko.