Marcoleta

Stradcom iminungkahing bigyan ng pagkakataon na muling makapag-serbisyo

Mar Rodriguez May 16, 2024
120 Views

IMINUMUNGKAHI ni SAGIP Party List Cong. Rodante Marcoleta sa Land Transportation Office (LTO) na bigyan nito ng pagkakataon na muling nag-serbisyo ang dati nilang IT service provider na Stradcom kapalit ng Dermalog Joint Venture para sa land transportation management system (LTMS) contract.

Kasabay nito, iginiit ni Marcoleta na dapat ng itigil ng LTO ang kanilang kasalukuyang LTMS contract sa isang German company na kanilang IT service provider para sa pagpo-proseso ng registration ng milyon-milyong motor vehicles sa buong Pilipinas kasama na ang driver’s license.

Ikinatuwiran ni Marcoleta na layunin ng kaniyang mungkahi at rekomendasyon na maaaaring mas lalo pang mapabilis ang proseso ng registration para plaka ng mga sasakyan o motor vehicles kung ang Stradcom ang hahawk nito gayong inamin mismo ng LTO na walang silang kakayahang humawak ng LTMS.

Nauna rito, binigyang diin ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza na sa kasalukuyan ay walang kakayahan ang kanilang ahensiya upang sila ang humawak sa LTMS na nagpo-proseso sa registration ng aabot sa milyong motor vehicles sa buong bansa kabilang na ang mga driver’s license.

Ipinaliwanag ni Mendoza sa mga mambabatas na hindi kakayanin ng LTO na sila mismo ang hahawak o magpapatakbo ng kanilang sariling sistema nang walang ayuda o tulong mula sa kanilang kasalukuyang IT service provider na Dermalog, isang German company na kinontrata ng LTO.

Sinabi pa ni Mendoza sa pagdinig ng Komite na pinamumunuan ni Antipolo 2nd Dist. Cong. Romeo M. Acop na wala rin sapat na kaalaman ang LTO sa aspeto ng IT o “IT knowhow” upang ang ahensiya mismo ang humawak sa pagpo-proseso ng mga lisensiya at registration ng mga sasakyan.

Subalit para Marcoleta, inendorso ng kongresista ang dating IT service provider ng LTO na Stradcom bilang kahalili ng Dermalog joint venture.