Magsino

Substitute bill para sa balik-Pilipinas na mga OFWs aprubado na sa Committee on Overseas Affairs

Mar Rodriguez Jun 2, 2025
43 Views

AcidreMagsino1IKINAGALAK ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pagkaka-apruba ng House Committee on Overseas Affairs sa kanilang committee report para sa substitute bill na nagsusulong ng komprehensibong programa para sa mga nagbabalik-Pilipinas na mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sabi ni Magsino na kikilalanin ang nasabing substitute bill bilang “Bagong Balikbayan Act” kung saan kabilang ang inakda nitong House Bill No. 11130 o ang An Act Providing for an Integrated Reintegration Program OFWs Returning to the Philippines sa bumubuo ng substitute bill para tulungan ang mga balik-Pilipinas na OFWs.

“Panahon na para tayo ay magpatupad ng isang komprehensibo, integrated at sustainable na reintegration program para sa ating returning OFWs. Hindi sapat at hindi pangmatagalan ang kasalukuyang sistema upang tunay na makapagsimula muli ng buhay sa Pilipinas ang ating mga OFWs,” sabi nito.

Ipinaliwanag din ng kongresista na batay sa datos na inilabas ng United Nation (UN) International Organization for Migration (IOM). Tinatayang 87% ng mga OFWs returnees ang nananatiling walang makitang trabaho sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbabalik nila sa Pilipinas.

Pagbibigay diin pa ni Magsino na 96% naman ang hindi nakatanggap ng anomang reintegration assistance mula sa pamahalaan na isang malinaw na ebidenisya ng kakulangan sa kasalukuyang sistema.

Dahil dito, dagdag pa ni Magsino na hangad ng kaniyang panukalang batas na tugunan hindi lamang ang mga pangkabuhayan at pang-ekonomiyang pangangailangan ng mga returning OFWs.

Kundi pati na rin ang mga reintegration issues tungkol sa social at psycho-social.

Ayon pa sa mambabatas, mandato ng House Bill No. 11130 ang pagsasagawa ng job fairs, entrepreneurship at livelihood development programs, skills training, low interest loans at tax incentives para sa negosyo ng mga OFWs.