Asukal Source: FB

Sugar importation maaantala hanggang mid-2025

Cory Martinez Nov 10, 2024
72 Views

MAAANTALA hanggang sa mid-2025 ang desisyon ng Pilipinas kung mag-aangkat ng asukal dahil wala pang pangangailangan sa karagdagang suplay ng asukal, ayon sa pulong nina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. at Sugar Regulatory Authority (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona.

Ayon kay Tiu Laurel, hindi pa kailangan mag-angkat ng asukal dahil matatag pa ang suplay ng lokal na raw at refined sugar.

“Given the current situation, Administrator Azcona and I agreed that a decision on sugar importation could be delayed until after May, when the current harvest season ends,” ani Tiu Laurel.

“Our supply for both raw and refined sugar is stable and we are just beginning our harvest season, so Sec Laurel and I agree to delay the decision on sugar imports until after harvest sometime in May,” paliwanag naman ni Azcona.

Sinabi ni Azcona na nagsimulang mabagal ang kasalukuyang harvest season na may kabuuang cane volume na aabot lamang na ikatlong bahagi ng halaga ng naani sa parehong panahon ng anihan.

Ayon kay Azcona, epekto ng El Niño ang mababang sugar content per ton ng cane.

Nagresulta ang mahabang tagtuyot dulot ng El Niño at ang pagiging physiologically immature ng mga tubo na nagresulta naman sa mababang 16% sugar content per ton ng tubo.

Dahil dito, bumaba ang produksiyon ng asukal sa kabila ng pagdami ng planting area.

Batay sa datos ng SRA, tumaas ng konti sa 389,461 ektaryang lupain ang taniman ng tubo nitong kasalukuyang taon kumpara sa nakaraang taon.

Sa pagtaya ng SRA, aabot sa 1.782 milyon ang produksiyon ng asukal, na bumaba ng 7.2% samantalang tinataya naman ng US Department of Agriculture ang pagbaba sa 3.6% ang Philippine raw sugar production para sa kasalukuyang crop year.

Inaasahan na bababa sa 1.85 milyon metriko tonelada ang output sa kasalukuyang crop year.