Loyzaga DENR Secretary Maria Antonia Loyzaga

Sumali sa int’l coastal clean-up umabot sa 74K; ’23 record nalampasan

Cory Martinez Sep 24, 2024
79 Views

NALAMPASAN ng Pilipinas ang rekord sa International Coastal Clean-up (ICC) nang umabot sa mahigit 74,000 volunteers ang lumahok sa clean up kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 250 coastal sites sa Pilipinas.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Loyzaga, mula sa 35,000 na volunteer noong 2023, umabot sa 74,075 volunteers ang nakilahok mula sa pamahalaan, akademya at mga grupo sa pribadong sektor. Mula sa Pasuquin sa Ilocos region hanggang sa Gian sa Socksargen ang mga sumama sa clean up.

Nagkatipun-tipon ang mga volunteer sa mga beach, riverbanks at baybay dagat at nakakolekta ng 352,479 kilo ng basura at debris na kinabibilangan ng mga plastic at iba pang waste material.

“This year marks a significant milestone as the Philippines affirms its commitment to coastal cleanliness and environmental conservation,” ani Loyzaga.

“With the ICC 2024 theme, ‘Clean Seas for Blue Economy,’ this year’s clean up not only aimed to address immediate pollution but also sought to inspire long-term behavioral changes among communities, encouraging everyone to reduce waste and participate in ongoing clean up initiatives,” dagdag pa ni Loyzaga.

Pagsasama-samahin ang mga datos na nakolekta sa naturang aktibidad upang maunawaan kung anong uri ng basura ang nakaapekto sa mga katubigan sa bansa na siyang magiging panuntunan sa estratehiya para sa pangangalaga sa kalikasan, waste recovery at paggamit ng tamang resources samantalang ang mga basurang maaaring irecycle dinala sa mga malapit na Materials Recovery Facility (MRF).

Kamakailan, itinuro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang climate change at ang kaugalian sa pagtatapon ng mga basura ang mga pangunahing sanhi ng matinding pagbaha matapos iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 13 landslides ang resulta ng bagyong Carina. Aabot sa mahigit 600,000 katao ang lumikas at 14 ang namatay.

Isa sa mga pinakamalaking volunteer effort sa buong mundo ang International Coastal Clean-up na kung saan umaabot sa 150 na bansa ang lumahok at milyon-milyong volunteer ang sumasali kada taon. Nagsimulang lumahok ang Pilipinas sa ICC noong 1994 at noong 2003 ipinatupad na ang Presidential Proclamation 470 na nagtatakda sa ikatlong Sabado ng Setyembre kada taon bilang araw ng ICC.

“We are grateful for the collaboration of local governments, academic institutions, non-government organizations and most importantly, the passionate volunteers who made this event a resounding success,” dagdag ni Loyzaga.